Monday , December 23 2024

‘Bleeding Hearts’ sa likod ng destab plot vs Duterte

ANG pakikipagmabutihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China at kay US president-elect Donald Trump ang tunay na dahilan kaya nais siyang patalsikin ng Liberal Party.

Ayon sa source sa intelligence community, labis na nadesmaya ang pangkat ng mga bilyonaryo mula sa Washington lobby group na US Philippines Society (USPS) sa pagwawagi ni Duterte laban sa manok nilang si Liberal Party Mar Roxas, at ni Trump kontra sa presidential bet nilang si Hillary Clinton.

Nanguna aniya sa  pangkat ng “bleeding hearts” ang bilyonaryang si Fil-Am Loida Nicolas-Lewis na pangunahing supporter ni Vice President Leni Robredo at hayagang nanawagan sa pagbibitiw ni Duterte.

Si Lewis ay masugid na tagasuporta rin ni Clinton noong nakalipas na US presidential elections.

Ayon sa source, nasagasaan din nang gumagandang relasyon ng PH-China ang interes ni USPS co-chairman Manuel V. Pangilinan na may-ari ng Philex Petroleum, ang kompanyang naunsiyami ang oil exploration activities sa Reed Bank na bahagi ng West Philippine Sea.

Matatandaan, ang interes ng mga mangingisdang Filipino sa Scarborough Shoal ang inuna ni Duterte nang bumisita sa China imbes oil exploration sa WPS makaraan magdesisyon ang Permanent Court of Arbitration (PCA) na sakop ng 200-mile exclusive economic zone ng Filipinas ang i-naangking mga teritoryo ng China sa WPS.

Giit ng source, hindi rin makaporma ang mi-ning companies ni Pangilinan kay Environment Secretary Gina Lopez na anti-mining advocate.

Dagdag ng source, lalong nagngingitngit ang tropang USPS kay Duterte nang italaga si Jose Antonio bilang special envoy to Washington for Trade, Investment and Economic Affairs bago ang US elections noong nakaraang buwan.

Si Antonio ang Philippine partner ni Trump at may-ari ng Trump Tower Manila.

Isa rin sa sinasabing nagpupursige na mawala sa poder si Duterte ay si USPS Director Maurice Greenber , chairman at CEO ng Insurance giant AIG na dating amo ni talunang Liberal Party pre-sidential bet Mar Roxas.

Sa kanyang talumpati sa United Nations Convention Against Corruption kamakalawa sa Palasyo, sinabi ni Duterte, ang yellow group o Libe-ral Party ang nasa likod ng mga panawagan at hakbang para guluhin ang kanyang pamunuan para tuluyang maalis sa puwesto at ginagamit ang kanyang war on drugs para patalsikin siya.

Ginagawa aniya ng dilawan ang destabilisasyon laban sa kanya dahil hindi matanggap ang pagkatao at para  i-luklok si Vice President Leni Robredo.

Kung tutuusin, kaninong panunungkulan ba lumaganap at namayagpag ang illegal drug activities sa bansa dahil pagpasok niya at pag-upo sa Malacañang, ay sumalubong sa kanya ang malala nang situwasyon.

Ipinagmalaki ng Pa-ngulo, mahihirapan ang mga dilawan na pabagsakin siya dahil ang mga komunista ay kanyang kakampi.

(ROSE NOVENARIO)

Hamon sa oposisyon
GO AHEAD IMPEACH ME
— DIGONG

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang oposisyon na sampahan siya ng impeachment case kaysa mag-ingay .

“They can go ahead. Bakit pa mas maraming daldal? Sige na, impeach na… Hayaan mo sila. Sige impeachable, go ahead,” aniya kahapon.

Ang pahayag ng Pa-ngulo ay reaksiyon sa si-nabi ni Sen. Leila de Lima na puwedeng ma-impeach ang Punong Ehe-kutibo bunsod nang pagkampi sa mga pulis na sangkot sa pagpaslang kay Albuera, Leyte Ma-yor Rolando Espinosa Sr., dahil ito’y ‘betrayal of public trust.”

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi puwede ipa-impeach ang Pangulo kung pagbabatayan ang argumento ni De Lima na taliwas ang posisyon ni Duterte sa findings ng NBI na rubout ang nangyari kay Espinosa at hindi nanlaban gaya ng bersiyon ng mga pulis.

“Of course not. Why should it be an impeachable offense? It’s not even an offense,”  ani Panelo.

Tungkulin aniya ng Presidente na tulungan ang kanyang mga tauhan na ipagtanggol ang kanilang mga sarili lalo na’t wala pang pormal na kasong isinampa laban sa kanila.

Ang korte aniya ang hahatol kung guilty ang mga pulis sa ibinibintang sa kanila.

“It doesn’t mean the NBI is correct because the court will have to decide whether they are correct or not. The presumption of innocence applies to all the accused in this case. Moreover, the presumption of regularity is not yet overcome so they have to file charges,” giit ni Panelo.

Tiniyak aniya ng Pa-ngulo na maaaring magbago ang kanyang isip kapag nakapagharap nang mas matitibay na ebidensiya ang NBI laban sa mga pulis para patunayan na rubout ang pagpaslang kay Espinosa.

(ROSE NOVENARIO)

TERMINO MATATAPOS NI LENI

TINIYAK mismo ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte, walang ikinakasang ‘ouster plot’ laban kay Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni Pangulong Duterte, mananatili si Robredo hanggang matapos ang kanyang termino.

Sa ambush interview sa ground breaking ceremony ng Bicol International Airport sa Legazpi City Albay, sinabi ni Pangulong Duterte, wala silang away ni Robredo.

Ayon kay Pangulong Duterte, bagama’t wala silang away, sadyang may mga bagay lang na hindi sila nagkakasundo ni Robredo.

Magugunitang paulit-ulit na sinasabi ni Robredo na may ikinakasang ‘ouster plot’ laban sa kanya ang administrasyon.

Sa ngayon, nakabinbin pa sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ang electoral protest na inihain ng kanyang nakalaban sa vice presidential race na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“I will asure Leni and the rest of the Bicol region that you will have her until the very end of her term. And there is no such thing as removing the vice president,” ani Pangulong Duterte.

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *