Monday , December 23 2024

LP protektor ng illegal drugs trade

SINISI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang administrasyong Aquino kaya lumala ang problema sa ilegal na droga sa bansa at utak sa pagpapabagsak sa kanyang gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa United Nations Convention Against Corruption kagabi sa Palasyo, sinabi ni Pangulong Duterte, ang yellow group o Liberal Party ang nasa likod ng mga panawagan at hakbang para guluhin ang kanyang pamunuan para tuluyang maalis sa puwesto at ginagamit ang kanyang war on drugs para siya ay mapatalsik.

Ginagawa aniya ng dilawan ang destabilisasyon laban sa kanya dahil hindi matanggap ang  pagkatalo  at para iluklok si Vice President Leni Robredo.

Kung tutuusin umano, kaninong panunungkulan ba lumaganap at namayagpag ang illegal drug activities sa bansa… dahil pagpasok niya at pag-upo sa Malacañang, ay sumalubong sa kanya ang malala nang situwasyon.

Ipinagmalaki ng Pangulo, mahihirapan ang mga dilawan na pabagsakin siya dahil ang mga komunista ay kanyang kakampi.

“Yung mga yellow diyan nagde-demonstrate kayo, you want me out because you cannot accept defeat sabi mo ‘yung left, they would never even allow me to step down two steps to the ground yang mga komunista NPA puro Duterte tingnan mo balang araw sila ‘yan,  eto politika yan… they wanted me out siyempre ‘yung vice pres, kayo you had your chance. When did the drug industry blossomed?” ayon sa Pangulo.

Ipinagyabang  ng Pangulo na noong nagka-usap sila ni US President-elect Donald Trump ay pinuri ang kanyang war on drugs at suportado umano ito ni Trump dahil tulad aniya ng Filipinas, problema ng US sa Mexican border nito ang ilegal na droga.

Dagdag ni Duterte, interesado aniya ang incoming US president na matuto sa mga pamamaraan ni Duterte kaya kung magawi aniya si Duterte sa New York ay mag-uusap sila.

Muling tiniyak ni Pangulong Duterte na hindi hahantong sa martial law ang malalang situwasyon sa ilegal na droga sa bansa… kahit ito ang nakikita niyang pinakamabisang paraan sana.

Sapat na umano ang nilagdaan niyang Proclamation 55 o ang state of national emergency.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *