Monday , December 23 2024

PNoy et al panagutin sa korupsiyon (Hirit ng youth group kay Digong)

120616_front

NANAWAGAN ang makakaliwang grupo ng mga kabataan na Anakbayan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipursige ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga opisyal ng administrasyong Aquino upang hindi magtagumpay ang Liberal Party na agawin ang kapangyarihan.

Sa kalatas, sinabi ni Anakbayan Chairperson Vencer Crisostomo, ang pagbibitiw ni Vice President Leni Robredo sa gabinete ni Duterte ay maaaring bahagi ng plano ng LP na magbalik sa poder.

“While Duterte has assured the former president that he will not be prosecuted, Robredo’s resignation is a clear sign of growing contradictions within the ruling classes and may even be part of an LP restoration plan,” ani Crisostomo.

Ang pagkalas aniya ni Robredo sa gabinete ay dapat maging senyales upang kagyat na seryosohin ng gobyernong Duterte ang mga legal na hakbang para panagutin si dating Presidente Benigno Aquino III at mga opisyal nito sa mga kasong korupsiyon, paglabag sa Saligang Batas at iba pang kasalanan sa bayan.

“The resignation of Vice President Robredo from the Duterte cabinet should prompt the serious prosecution of former president Noynoy Aquino and officials of the past administration for corruption, violation of the constitution and other crimes against the people,” dagdag ni Crisostomo.

Hindi pa aniya pinagbabayaran ni Aquino at kanyang mga kasabwat ang mga atraso sa sambayanang Filipino gaya nang pagpapatupad sa Disbursement Acceleration Program (DAP), katiwalian sa mga kontrata sa MRT/LRT, pagwaldas sa pondo sa agrikultura at kalamidad at iba pa.

“Duterte should now immediately prosecute Aquino and officials of his administration over violations of the constitution in its implementation of the unconstitutional Disbursement Acceleration Program, corruption in the  MRT/LRT deals, using funds for agriculture and disaster for corruption and others,” giit ni Crisostomo.

Binigyan-diin ng Anakbayan leader, dapat makulong si Aquino sa pagpapasimuno ng Mamasapano operation na ikinamatay ng 44 Special Action Force (SAF) commandos at mga sibilyan.

Hinamon niya si Duterte na ipagkait ang “political accommodation” kay Aquino. Matatandaan, tinukoy ni Duterte ang mga ‘dilawan’ bilang nasa likod ng destabilisasyon laban sa kanya para patalsikin siya sa puwesto.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *