Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NORA AUNOR/SEPTEMBER 12,2012 Superstar Actress Nora Aunor during a visit to the Inquirer office in Makati City. “Thy Womb” won three awards for Mendoza at the recently concluded Venice International Film Festival. ARNOLD ALMACEN/INQUIRER

Ate Guy, nagpabinyag na sa Dating Daan

MARAMI ang nagugulat sa mga aksiyon ni Nora Aunor nitong nakaraang araw.

Bigla siyang naging tagasunod at sabi ng sources ay nagpabinyag na sa grupong Dating Daan. Kung sa bagay maganda naman iyan dahil baka matulungan siya ng grupong relihiyosong iyan sa totoong pagbabago.

Tapos bigla siyang lumitaw sa isang misa roon sa libingan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Kung ano ang dahilan at nakarating siya sa Libingan ng mga Bayani, siya lang ang nakaaalam.

Hindi iyan ang inaasahang “himala” ni Aunor. Ang matagal nang hinihintay ay iyong sinasabi niyang pagpapa-opera niya ng kanyang lalamunan sa doctor na umopera rin kay Julie Andrews noong araw para maibalik  ang kanyang boses. Ang dami ng tumulong sa kanya, nagbigay ng pera para maoperahan, pero hanggang ngayon hindi niya ginagawa iyon.

Siguro nga na-reliaze din niya na mas tama ang sinasabi ng mas maraming espesyalista na ano mang operasyon ang gawin sa kanya ay hindi na maibabalik pa ang kanyang boses. Isa pa, gustuhin man niya ngayon, siguro nga nagamit na niya ang pera para sana sa kanyang operasyon na hindi niya itinuloy.

May pelikula si Nora sa festival. Abangan natin iyan kung kikita. (ED DE LEON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …