HUMAHATAW nang husto ang talented na young singer na si Erika Mae Salas. Patuloy sa pagdating ang magandang kapalaran sa kanya at patunay nito ang kaliwat’t kanang shows niya. Una ay sa November 30, 2016, 6 pm na muling magpapakitang gilas ang dalagita via sa first solo show niya na gaganapin sa Conspiracy Garden Café. Pinamagatang Erika Mae Salas Live, ang Conspiracy Garden Café ay matatagpuan sa #59 Visayas Avenue, Quezon City.
Tampok din si EM (tawag namin kay Erika Mae) sa show sa Music Box na pinamagatang Let’s Celebrate, December Fever! sa December 4 (Sunday), 8 pm at ito’y mula sa direksiyon nina Throy Catan at Leklek Tumalad. Tampok din dito sina Pauline Cueto, Sarah Ortega, Lara Lisondra, at ang humahataw ang career ngayon na si Tori Garcia. Bale, post birthday concert ito ni Tori. Special guest dito sina Martin Escudero, LA Santos, Mavi Lozana at front act si Rina Sy.
Ano ang feeling mo at may solo concert ka na?
Sagot ni Erika Mae, “Sobrang saya at nervous po at the same time, sana makaya kong magdala ng isang show. Hopefully maging successful po ang show. First solo-show ko po ito, under Humane Production po na siyang nag-compose rin ng songs ko kaya ginawan nila ng pre-album launch.
“Biggest break po para sa akin ang solo show na ito. Ito raw po ang magiging training ground ko para lalo po akong mahasa sa pagpe-perform, banda po ang gagamitin namin dito.”
Nagkuwento pa si Erika Mae sa mga mapapanood sa kanya sa show. “About ten to fifteen songs daw po ang kakantahin ko rito and ang mga guests ko po ay sina Rayantha Leigh na isang batang gusto ring makilala sa larangan ng musika, ang Apollo 5 na grupo ng mga talentadong bata rin po na kinabibilangan nina Sarah Ortega, Keiko Bartolome, Jarred Blue, Erold Roldan at Mikhaela Antonio, at si Mark Kaizer po na nanalong Kalokalike ni Abra sa It’s Showtime ng ABS CBN.
Ang musical director po rito ay si Alrey Zamora, na siya po ang gumagawa mostly ng mga songs ko sa album. Ang direktor naman po ay si Sir Ian Dominie.”
Ibinalita rin ni EM ang iba pag blessings na natanggap niya this year. “Noong June 19, 2016 po ako nagawaran ng Parangal ng Dangal ng Bayan for Outstanding New Female Pop/RnB artist of the year na ginanap sa AFP Theater. Sa January 3, 2017 naman, kabilang din po ako sa bibigyan ng parangal ng World Class excellence ng Japan-Phils. award bilang Most oustanding Teen Pop Idol 2016. Gaganapin po sa San Pedro Laguna ang awarding kasabay po ng Concert with Ms Emma Cordero ‘Salubong sa Bagong Taon 2017’ wherein isa rin po ako sa mga magpe-perform.
“Napakalaking achievements na po nito para sa akin. Dumami po ang mga invitations and guestings ko. Sana magtuloy-tuloy na po ang magandang break na ito. Salamat din po sa mga press people na tulad nyo tito na walang sawang tumutulong sa mga baguhang kagaya ko.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio