KOMBINSIDO si Labor Sec. Silvestre Bello III, malaki ang posibilidad na makamit ng gobyerno ang “zero endo” at “zero illegal contractualization” bago matapos ang 2017.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Sec. Bello, target ng kanyang ahensiya na matuldukan na ang “endo” o end of contract scheme at contractualization sa susunod na taon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Bello, posible ang plano dahil nakikipagtulungan ang employers kaya ito ang tinututukan nila sa ngayon.
Sa ngayon, nasa 25,000 manggagawa ang regular makaraan ang pakikipagnegosasyon ng Labor Department sa employers.
“So ‘yun ang mandato namin sa Department and we have been trying our best to achieve the order of our President and that is zero to ‘endo’ and zero to illegal, illegitimate contractual arrangement,” ani Bello.