Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sen. Leila De Lima ididiin ni Kerwin Espinosa ngayon!? (Dayan naaresto na…)

MATAPOS magkausap sina Senator Manny Pacquiao at Kerwin Espinosa, sinabi ng una na hindi muna niya puwedeng ibunyag kung sino-sino ang government officials at police officials na isinasangkot at itinuga ng huli, na sangkot sa sindikato ng ilegal na droga.

Pero kahapon, lumabas na rin sa social media ang interview kay Sen. Pacquiao na isinasangkot si Sen. De Lima.

Kaya sa pagdinig sa Senado ngayon, hindi na siguro nakagugulat na muli na namang mamumunini at puputok ang pangalan ni Sen. De Limaw ‘este Lima.

Kung hindi tayo nagkakamali, halos P8 milyon (ang liit naman?) ang naibigay daw ni Kerwin kay Sen. De Lima.

(By the way, isinusulat natin ang kolum na ito, ‘e pumutok ang balitang nasakote sa La Union ang dating driver/bodyguard/lover ng Senadora).

Kerwin plus Dayan equals Leila’s dilemma…

Ang dalawang kamay ng orasan ni Sen. Leila, ngayon ay nakatutok lahat sa tangahaling tapat.

112316-de-lima-dayan-kerwin

Sabi nga ‘e, higit pa sa nagmamadaling alas-onse patungo sa maalamat at mapamahiing alas-tres ng hapon. Nauna lang sa nagmamadaling alas-kuwatro.

Malapit na nga kaya ang dapithapon sa sabi nga noong una ‘e very promising na political career ni Sen. Leila?

May kasabihan, ang naglalakad nang matulin kung matinik ay malalim.

Dahil sa pagmamadali ng kampo ni Leila na ‘itumba’ si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, nabalikan agad sila ng karma…

‘Yun lang, si Madam Leila ang nadiin ngayon.

Kumbaga sa chess, may natitira pa kayang piyesa si Madam Leila para maisulong ang giyerang ikamamate ni Presidente Duterte?!

Kaabang-abang talaga ang mga susunod na pangyayari.

PITONG TAON NAANG NAKALIPAS
NANG PASLANGIN ANG 32
MAMAMAHAYAG SA MAGUINDANAO

112316-112309-ampatuan-maguindanao-2

Kung  mayroon kayong anak na ipinanganak noong 2009, siyempre 7 years old na siya at nag-aaral.

Kaya kung buntis ang naulila ng mga mamamahayag na biktima ng masaker o maramihang pagpatay sa Maguindanao na ang itinuturong utak ay pamilya Ampatuan, sila iyong mga pitong taong gulang na ‘yan.

Pero ang ‘ipinagbuntis’ ng mga naulila ng 32 mamamahayag ay labis na lungkot at pagkadesmaya dahil sa loob ng pitong taon, wala pa silang nakikitang katiyakan na makakamit nila ang katarungan.

Mantakin naman ninyo, ‘yung mga simpleng kaso nga ‘e inaabot ng 10 taon, ‘yan pa kayang halos 100 mahigit ang akusado?!

Ilang taon ang aabutin bago matapos ang pagpapaupo sa bawat sa witness?

Malamang, may apo na sa tuhod ang mga nabiyuda pero hindi pa rin tapos ang paglilitis.

Lalo na nga’t ang nakatalagang si Judge Jocelyn Solis-Reyes ‘e kandidatong iupo sa Sandiganbayan at sa Court of Appeals.

Mismong si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay nakiusap kay Judge Solis-Reyes na huwag iwanan ang Maguindanao Massacre case.

By the way, nasaan na nga pala ang mga pamilya ng mga biktima?! May nakaaalala kaya sa kanila?!

Marami tayong nababalitaan na kung ano-anong fund-raising activities para sa mga pamilyang naulila, pero hindi natin nababalitaan kung nakararating sa kanila?!

Ang dami rin nagsulputang media organizations na nagsasalita sa ngalan ng mga biktima pero tumutulong ba talaga sila sa pagsusulong ng nasabing kaso?!

Gaya ni Atty. Harry Roque na sumikat sa Maguindanao massacre at isa na ngayong party-list representative, isinasama ba niya sa kanyang adbokasiya ang mga biktima at pamilya ng Maguindanao massacre?!

Huwag naman sana niyang makalimutan…

Marami talagang dapat itanong sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso ng Maguindanao massacre.

Sana lang ‘yung mga nagsasabing tumutulong sila ay genuine at hindi ‘yung masabi lang na hindi nila nalilimutan ang Maguindanao massacre.

Huwag sanang gamitin sa papogi at pansariling propaganda lang.

Nawa’y gunitain natin ang Maguindanao massacre sa isang makabuluhang paraan…

Para sa mga biktima, sa kanilang pamilya at sa katarungan na inaasam ng sambayanan.

Sa anong dahilan?
BIR REGIONAL
DIRECTOR PINASLANG

070216 dead gun police

Hindi pa nga nalulutas ang kaso ng pagpaslang kay Customs deputy commissioner Arturo Lachica, nasundan agad ito ng pagpaslang sa regional director ng BIR Region VIII na si Jonas Amora.

Kung malaking panghihinayang ang naramdaman ng mga nakakikilala kay DepCom. Art Lachica, marami naman tayong narinig tungkol kay Amora.

Low profile lang pero made na made na raw.

Hindi nga nila ini-expect na sa isang Toyota Innova lang nakasakay si Amora gayong marami siyang magagara at iba’t ibang klaseng sasakyan na nakagarahe sa kanyang mansion.

Sa kanyang napakalaking bahay ay matatagpuan rin umano ang koleksiyon ng mga mamamahaling paintings ng mga kilalang artist.

Ang higit na nakapagtataka, bakit may dalang cash na halos kalahating milyon ang halaga sa loob ng kanyang sasakyan si Amora patungo sa BIR main office?!

May pagbibigyan ba siya sa BIR main office?

Tsk tsk tsk…

Umabot na ba sa mga corrupt na government officials ang tumbahan?

Ingat-ingat lang…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *