Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Subpoena inisyu na ng DoJ vs De Lima

PINAHAHARAP ng Department of Justice (DoJ) sa 2 Disyembre sa preliminary investigation ng five-man panel of prosecutors si Sen. Leila de Lima para sa isyu ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nailabas na ng panel ang subpoena kahapon at inihatid na sa tanggapan ni De Lima sa Senado.

Haharapin ng mambabatas ang apat reklamong inihain ng ilang complainant, kabilang ang VACC at ang kampo ng inmate na si Jaybee Sebastian.

Magugunitang lumutang nitong nakaraang linggo sa imbestigasyon ng Kamara, sinadya ang tangkang pagpatay kay Sebastian upang mapigilan siyang magbigay ng testimonya.

Ngunit hati rito ang paniniwala ng mga mambabatas, lalo’t hindi napangalanan ang pinanggalingan ng utos at kung ano ang kaugnayan nito sa lady senator.

Umaasa si Aguirre na haharap sa preliminary investigation si De Lima, lalo’t  ang senadora aniya ang naghamon dati na sampahan siya ng kaso kaysa gawing sangkalan ng batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga kaalyado ng administras-yon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …