Saturday , November 16 2024

Kumpisal ni Kerwin bomba – Pacman

112116_front

AMINADO ni Sen. Manny Pacquiao, kombinsido siyang totoo ang mga pagsisiwalat sa kanya ng binansagang Eastern Visayas drug lord na si Kerwin Espinosa.

Kasunod ito nang kahilingan ni Espinosa na makausap si Pacquiao bago siya humarap sa Senate inquiry sa Miyerkoles.

Bagama’t tumanggi muna si Pacman na isapubliko ang bawat detalye ng kanilang napag-usapan, tiyak niyang marami ang magugulat.

Ngunit ang abogado ng inmate ay una nang nagsabi na kabilang sa mga natalakay ay mga personalidad na kasama sa transaksiyon ng ilegal na droga.

Si Pacquiao ay nakipag-usap muna kay Sen. Panfilo Lacson bago humarap sa nakapiit na drug personality.

‘DI KO DINIKTAHAN SI KERWIN
– SANDRA CAM

ITINANGGI ni Whistleblowers Association of the Philippines president Sandra Cam ang bintang na diniktahan niya si Kerwin Espinosa sa magiging laman ng kanyang testimonya.

Matatandaan, si Cam ay personal na nakipag-usap kay Espinosa sa Abu Dhabi bago nadala ng mga awtoridad pabalik sa Filipinas ang hinihinalang drug lord.

Giit niya, nagkuwento lang si Kerwin at hindi sa kanya nanggaling ang mga pangalan na isinasangkot sa illegal drug trade.

Katunayan, nakabantay aniya ang mga tauhan ng embahada ng Filipinas at Abu Dhabi jail authorities nang sila ay mag-usap.

Ibinahagi ni Cam, magkaiba ang nilalaman ng listahan ng namatay na si Albuera Mayor Rolando Espinosa kung ihahambing sa mga pangalang alam ng nakababatang Espinosa.

SUBPOENA VS DE LIMA
SA DRUG RAPS ILALABAS NA

OOBLIGAHIN ng Department of Justice (DoJ) ang pagharap ni Sen. Leila de Lima sa five-man panel of prosecutors na magsasagawa ng preliminary investigation sa isyu ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, maaaring mailabas ang subpoena sa loob ng linggong ito.

Haharapin ng senadora ang apat na reklamong inihain ng ilang complainant, kabilang ang VACC at ang kampo ng inmate na si Jaybee Sebastian.

Magugunitang lumutang nitong nakaraang linggo sa imbestigasyon ng Kamara na sinadya ang tangkang pagpatay kay Sebastian upang mapigilan siyang magbigay ng testimonya laban kay De Lima.

Ngunit hati rito ang paniniwala ng mga mambabatas, lalo’t hindi napangalanan ang pinanggalingan ng utos at kung ano ang kaugnayan niya sa lady senator.

Positibo si Aguirre na haharap sa preliminary investigation si De Lima, lalo’t ang senadora aniya ang naghahamon dati na sampahan siya ng kaso kaysa isalang sa Congressional inquiry.

Sa Senate probe
KERWIN MAAARING
KOMPRONTAHIN SI LEILA
– GORDON

WALANG nakikitang paglabag sa batas si Senate committee on justice chairman, Sen. Richard Gor don kung makikilahok sa imbestigasyon sa Miyerkoles si Sen. Leila de Lima ukol sa pagkakapatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Sa kabila ito nang pagkaladkad sa pangalan ng senadora sa payola list ng sindikato ng droga.

Maaari aniyang komprontahin ni De Lima ang binansagang drug lord na si Kerwin Espinosa kung kinakailangan.

Giit ni Gordon, hindi maiaalis na miyembro pa rin ng Senado si De Lima at ang mandato ng senadora ay hindi nawawala dahil sa mga alegasyon.

Ngunit malaya rin aniya ang lady solon na mag-inhibit kung nakikita niyang hindi patas ang pakikilahok sa pagdinig nang mismong iniuugnay sa kontrobersiyal na usapin.

Isasagawa ang pagdinig sa Nobyembre 23, 2016, pangangasiwaan ito ng Senate committee on public order and dangerous drugs na pinangungunahan ni Sen. Panfilo Lacson.

KAMAG-ANAK, EMPLEYADO
NI ESPINOSA PUWEDENG WITNESS
 – AGUIRRE

BALAK ng Department of Justice na gawing testigo ang mga kamag-anak at empleyado ng napatay na Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, ang mga nabanggit ay makapagko-corroborate sa claims ng alkade at anak niyang si Kerwin hinggil sa drug trade sa Filipinas.

Ayon kay Aguirre, maaaring mag-corroborate sa nilalaman ng affidavit nang napaslang na alkalde, ang treasurer, accountant, at maging ang kapatid niya at isa pa niyang anak.

Tiniyak ng kalihim, maaari silang isailalim sa Witness Protection Program ng pamahalaan, kung qualified sa naturang programa.

Binigyaan-diin ni Aguirre, kailangan silang proteksiyonan upang hindi na maulit ang insidenteng gaya ng pagpaslang kay Mayor Espinosa.

Samantala, inamin ni Aguirre na “unusual” at mahirap bigyan ng katuwiran ang nangyaring shootout.

Inaasahan niyang sa mga susunod na araw ay matatapos ng NBI ang isinasagawang parallel investigation hinggil sa naturang insidente.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *