Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

William Thio, proud makatrabaho sa pelikula ni Nora Aunor

HAPPY si William Thio na mapabilang sa pelikula ng kilalang Mr. Public Service sa UNTV na si Kuya Daniel Razon titled Isang Araw, Ikatlong Yug-to! Aminado si William na malaking bagay sa kanya na makasali sa pelikulang ito ni Kuya Daniel dahil iniidolo niya ito.

Ngunit may dagdag na bonus pa ang pagkakasali niya rito dahil isa sa mapapanood sa naturang pelikula ay ang award-winning aktres na si Ms. Nora Aunor.

“Pulis ang role ko rito, I’m kuya Daniels sidekick kasi eh. And bukod kay Ms. Nora, maraming mapapanood dito like, Jackie Lou Blanco, Eddie Garcia, Gina Pareño, Wendell Ramos, Lara Quigaman at marami pang iba.

“Si kuya Daniel is someone I look up to. He’s an incredible person. Idol ko siya so I’m always starstruck to be working with him. Sa movie na ito, I become good because of him, dahil kay Kuya Daniel,” saad sa amin ni William.

Ano ang na-feel mo na nakatrabaho mo ang isang Superstar na si si Ms. Nora?

Sagot niya, “Wow. Ibang klase, it was surreal. Ang galing niya. Isang pulubi ang role ni Ms. Nora rito at kitang-kita na sobra talaga ang galing niya.”

Matagal na nawala sa pag-arte si William, atlthough this year ay nagging tampok siya sa pelikulang Barkong Papel. Member si William ng Star Circle-Batch 5, kasama sina John Lloyd Cruz, Baron Geisler, Marc Solis, Tanya Garcia, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, at iba pa.

Ibig bang sabihin nito na posibleng mas mapadalas ang paggawa mo ng movie?

“I’m not sure. Although I had fun,” nakangiting saad pa sa amin ni William.

ALAM MO NA! – Nonie V.  Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …