Tuesday , December 24 2024

Erap, GMA hihimlay sa LNMB (Kapag nakalusot si Macoy) – CPP

111216_front

NANINIWALA ang Communist Party of the Philippines (CPP), kapag namayapa ay magkakaroon na rin ng pribilehiyo na bigyan ng hero’s burial sina ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kapag natuloy na ihimlay sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) si dating Presidente Ferdinand Marcos.

Sinabi ng CPP sa kalatas, lahat ng rehimen mula noong 1986 ay binigyan daan ang rehabilitasyong politikal ng mga Marcos at kanyang mga crony dahil pare-pareho silang nagmula sa naghaharing uri.

“As class affiliates of the Marcoses, every regime since 1986 have helped pave the way for the political rehabilitation of the Marcoses and all their cronies. The rehabilitation of the Marcoses serves as precedent for extending the same privilege to Estrada and Arroyo,” ayon sa CPP.

Ayon sa CPP, kapag pinahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labi ni Marcos sa Ilocos Norte na bigyan ng hero’s burial sa LNMB ay pinagkalooban niya ito ng pinakamataas na uri ng rehabilitasyon.

“If Duterte allows Marcos’ body to be dug-up from Ilocos Norte and re-interred with hero’s burial, he would have provided the Marcoses with the ultimate act of rehabilitation.”

Dapat aniyang may magpayo kay Duterte na huwag nang ituloy ang naturang plano bilang pambayad utang na loob sa mga Marcos sa pagsuporta sa kanyang kandidatura noong nakalipas na halalan dahil tahasang pambabastos ito sa mga Filipino na lumaban sa diktadura.

“The GRP President Duterte must be advised against proceeding with such a plan. Such payment of political debt to the Marcoses will undoubtedly be regarded as an act of contempt against the Filipino people’s historic judgement against the Marcos dictatorship,” pahayag ng CPP.

Sa paggawad kay Marcos ng hero’s burial ay mistulang dinuraan ni Duterte ang mga puntod ng libo-libong martir na nagbuwis ng buhay sa pakikibaka para wakasan ang brutal, bulok at tutang diktadurang Marcos.

Magkakaron din, anang CPP, ng kuwestiyon sa pagbansag ng Pangulo sa sarili na maka-kaliwa dahil ang diktadurang Marcos ang naging simbolo ng kontra-kaliwa, nagsilbing sandigan ng imperyalismong US , burukrata kapitalismo at pyudalismo sa paghahari mula 1965-1986, kasama ang 14-taon batas militar.

Sinabi nang mahigit tatlong dekada CPP, pinayagan ng mga naghaharing uri ang dalawang henerasyon ng mga Filipino upang kalimutan ang mga krimen ng diktadurang Marcos.

Maling imahe ni Marcos ang ipininta sa mga mababa at mataas na paaralan upang ikubli ang mga kalupitan ng malalang pasistang pang-aabuso ng karapatang sibil at politikal, laganap na pighati na resulta ng hindi mapapantayang katiwalian, pangangayupapa sa US at IMF-WB na nagdala sa Filipinas sa sobrang kahirapan.

“Over the past three decades, the ruling classes have allowed two generations of Filipinos to forget about the crimes of the Marcos dictatorship. School books and official teaching in elementary and secondary schools have airbrushed the image of the Marcos dictatorship to hide the brutalities brought about by grave fascist abuses of civil and political rights and widespread social misery as a result of unprecedented bureaucrat capitalist corruption, servility to the US and to IMF-World Bank policy impositions which condemned the country to a perpetual state of economic backwardness.”

MARCOS SA LNMB TINIYAK NG PALASYO

IHIHIMLAY si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) bago matapos ang taon, ayon sa Palasyo.

Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa press briefing sa Palasyo bagama’t walang komunikasyon ang pamilya Marcos sa Malacañang hinggil sa usapin.

“No. The best we can say is it will be within the year,” ani Abella nang tanungin kung may koordinasyon ang pamilya Marcos sa Palasyo kung anong petsa ililibing ang dating pangulo sa LNMB.

Umiwas si Abella na mapalawig pa ang isyu. “I cannot say anything along that lines,” dagdag ni Abella.

Matatandaan, sa botong 9-5 ay ibinasura ng Korte Suprema ang pitong petisyon laban sa pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilibing sa LNMB si Marcos.

Ikinatuwiran ng Supreme Court, walang batas na nagbabawal na ilibing sa LNMB ang dating Pangulo at dating sundalo ng bansa gaya ni Marcos.

PNP NAGHAHANDA NA
SA MARCOS
BURIAL, PROTESTERS

NAKIKIPAGPULONG ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa iba’t ibang concerned agencies para sa paghahanda sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, layon nitong maging plantsado ang paglilibing sa dating pangulo.

Inaasahan ng pamunuan ng NCRPO ang pagdami ng mga raliyista na tutol sa paglilibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani at maging ang supporters ng pamilya Marcos.

Paliwanag ni Albayalde, kailangan mapaghiwalay ang mga pro at anti-Marcos nang sa ganoon maging mapayapa ang paglilibing.

Pinakasentro ng kanilang pagpupulong ay kung paano matutukoy ang mga totoong pro-Marcos o tagasuporta ng pamilya Marcos na inaasahan nilang papayagang makapasok sa Libingan ng mga Bayani.

Sinabi ni Albayalde, sa kabila ng kanilang paghahanda, wala pang malinaw na petsa kung kailan ililibing ang dating pangulo.

Bumuo na ng task force ang (NCRPO) para sa nakatakdang paglibing.

ni Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *