Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

6 Vietnamese dinukot sa basilan

ZAMBOANGA CITY – Anim na Vietnamese nationals ang dinukot ng armadong kalalakihan habang sakay ng kanilang barko sa karagatan malapit sa Sibagu Island sa Lamitan City sa lalawigan ng Basilan.

Habang nakaligtas sa insidente ang isa pang sakay na Vietnamese bagama’t sugatan makaraan siyang barilin ng mga suspek nang tumakbo habang may iba pang nakapagtago.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nangyari ang insidente dakong 7:00 am kahapon, kabilang sa anim na dinukot ang mismong kapitan ng MV Royale 16.

Sinabi ng sugatang biktima, 10 armadong kalalakihan ang umakyat sa naturang foreign vessel at puwersahang tinangay ang kanyang mga kasamahan.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang Coast Guard kahapon mula sa MV Lorcon IloIlo na may nakita silang isang crew na sugatan sakay ng foreign cargo vessel na agad nilang binigyan nang agarang lunas.

Hindi pa masabi ng mga awtoridad kung grupo ng teroristang Abu Sayyaf ang responsable sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …