Saturday , November 23 2024

Mag-ingat sa magdyowang KC Cobico at LJ Perea huwag ipagkatiwala ang inyong kuwarta

HUMINGI ng tulong sa inyong lingkod ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Abu Dhabi dahil naloko at nalansi sila ng magdyowang KC Cobico at LJ Perea.

‘Yung KC Cobico umano ay taga-Santa Maria, Pangasinan.

Hindi natin alam kung gaano katamis ang dila nitong KC at naeng-ganyo niyang ipagkatiwala sa kanya ng mga kasama sa trabaho ang kanilang perang pinagpaguran.

Pero pagkahawak na pagkahawak umano sa pera ay bigla nang lumipad pauwi rito sa Filipinas.

Hanggang sa kasalukuyan umano ay hindi pa bumabalik sa Abu Dhabi.

Ang style umano nitong si Cobico, manghihiram ng pera sa kanila dahil may emergency umano siya. Naibabalik naman umano ang pera kahit gaano pa kalaki ang halaga kaya nagtiwala sila nang husto.

Pero nitong bago umuwi ng Filipinas, nag-one-time-bigtime. Inutangan ang kanyang mga kasama sa trabaho at ‘yun na, biglang umuwi sa Filipinas.

Heto ngayon, akala ng mga kasama sa trabaho ay naroon pa sa Abu Dhabi ang syotang lalaki na si LJ Perea pero kamakalawa lang ay natuklasang wala na rin pala at nakabalik na nga rito sa Filipinas.

Masamang-masama ang loob ng mga kababayan nating OFWs dahil ang perang ipinautang nila ay pinaghirapan nila.

Malaking bagay para sa kanila ang ipinagkatiwala nilang kuwarta.

Payo po natin sa mga kamag-anak ng mga naloko nitong sina Cobico at Perea, ipagharap ninyo ng reklamo ang dalawang ‘yan.

Puwede po ninyong ireklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) at ipa-watchlist sa Department of Justice (DoJ) para ma-monitor ang kilos nina Cobico at Perea

Sa mga kababayan natin diyan sa UAE, mag-ingat po kayo sa mga kagaya nina Cobico at Perea.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *