Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

R.A. 6713 the most known yet the most ignored law among public servants

MGA suki, nabasa na ba ninyo ang balita na iimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Director General Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa pagtanggap niya ng libreng pasahe sa eroplano, tiket sa panonood ng boksing at siyempre pati hotel accommodation para sa kanyang buong pamilya mula kay Senator Manny Pacquaio?

Pinag-uusapan po natin dito ‘yung panonood ni Gen. Bato sa nakaraang laban ni people’s champ Pacman laban kay Jessie Vargas nitong nakaraang linggo.

Sabi kasi ni Gen. Bato, kabilang siya sa mga inilibre ni Pacman para makapanood ng laban na iyon sa Thom & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Siyempre may mga natuwa at nainggit sa balitang ito ni PNP chief.

Pero ang masakit dito, pagkatapos mag-enjoy ni Gen. Bato, mayroon ngayong nakaambang sakit ng ulo.

Ang sabi ng Ombudsman, labag daw kasi sa Republic Act 6713 (An Act Establishing A Code Of Conduct And Ethical Standards For Public Officials And Employees To Uphold The Time-Honored Principle Of Public Office Being A Public Trust, Granting Incentives And Rewards For Exemplary Service, Enumerating Prohibited Acts And Transactions And Providing Penalties For Violations Thereof And For Other Purposes) ang pagtanggap ng regalo, pabor, probetso sa kahit anong paraan, ng isang opisyal ng gobyerno o kahit sinong public servant.

Klaro nga naman sa batas.

Ang tanong: Bakit si Gen. Bato lang ang pinupuntirya ng Ombudsman!?

How about  the other government officials na inilibre ni Pacman?

Dapat lahatin ng Ombudsman?!

Kaya ‘yan ang sinasabi natin, na ‘yang R.A. 6713 ang madalas na ipinananakot pero madalas ding binabalewalang batas.

Kung seryoso ang Ombudsman, at hindi namemersonal kay Gen. Bato, dapat maging seryoso sila sa pag-iimbestiga sa lahat ng lumalabag sa mga probisyon ng R.A. 6713, partikular diyan sa pagtanggap ng regalo.

Ang dami niyan, lalo na noong nakaraang administrasyon.

Ay sus!

Sudsurin ninyo silang lahat, Madam Conchita Carpio-Morales!

‘GENDER CARD’ GINAGAMIT
NI SEN. LEILA DE LIMA PARA
MAKAHAMIG NG SIMPATIYA

110816-de-lima-supreme-court

Sa ibat’ ibang uri ng batas at maging sa katotohanan ng buhay, gender card ang isa sa matibay na kalasag ng mga kababaihan.

Ladies, please, huwag po kayong magalit sa inyong lingkod.

Pero gusto lang nating sabihin, ang gender card ay dapat nating ituro sa mga babaeng biktima ng paglabag sa Violence Against Women & Their Children Act (R.A. 9262).

Hindi ito dapat kasangkapanin ng isang babaeng nasa kapangyarihan at inaakusahang sangkot sa isang uri ng krimen.

Ang dapat niyang gawin, labanan niya nang punto por punto ang akusasyon laban sa kanya.

Puwede bang ikatuwiran niya sa korte, kaya siya inaakusahan na sangkot sa ilegal na droga ‘e dahil babae siya?!

Hindi ba mayroon nang distorsiyon kapag ganoon?!

Actually, tila isang karerista si Sen. De Lima nang maghain siya ng test case sa Supreme Court.

Kumbaga  nag-longshot siya.

Iisipin ng iba, na malayo ito sa kasong inihain laban sa kanya ng estado, pero sa paghahain niya ng  writ of amparo at writ of habeas data tila nahadlangan niya ang pagkilos ng estado na makapangalap ng ebidensiya sa akusasyon na may kaugnayan siya sa operasyon ng sindikato ng ilegal na droga sa bansa.

Bukod sa legal na hakbang, ito ay maaaring bahagi rin ng kanyang propaganda at paglilinis ng pangalan sa publiko.

Matalinong tao si Madam Leila, hindi siya papayag na maigupo nang ganoon na lamang.

Alam natin na bilang isang BAR topnotcher, kayang-kayang gamitin ni Madam Leila ang batas para ipagtanggol ang kanyang sarili.

At ‘dun din mismo ang gusto nating sabihin sa kanya, argumentong batas sa batas ang gamitin niya, at huwag niyang gamitin ang kanyang pagkababae para makahamig ng simpatiya.

Magtataka pa ba kayo kung bakit hindi siya sinusuportahan ng Gabriela?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *