Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katrina Paula, milyon ang nalugi sa indie film

SA kanyang tangkang pasukin ang pagpoprodyus ng isang indie film ay natalo (as in nalugi) pala si Katrina Paula ng P1-M. Pero mas matindi ang losses ng unang nagprodyus ng pelikulang A Story of Love, P3-M ang naipaluwal nito.

Si Katrina kasi ang sumalo sa naunang producer para matapos na lang ang pelikula sa direksiyon ni GM Aposaga. Bukod sa pamumuhunan ay mayroon ding partisipasyon si Katrina bilang narrator sa movie, na tampok din sina Ynez Veneracion, Via Veloso, to name a few.

Pero ang dapat sana’y premiere showing nito sa isa sa mga cinema ng SM Megamall ay nakansela.

Ayon sa aming source, hindi umano nakapasa ang pelikula sa mataas na standards para payagan ito ng pamunuan ng SM na maipalabas.

“Paano naman kasi, pagkapangit-pangit ng movie!” naghihimutok na sey ng aming kausap.

Pero hindi ito ang catch sa item naming ito.

Umano, ang direktor pala nitong si GM ay minsan nang dinampot at ikinulong ng mga hiningan umano niya ng pera kapalit ang kagustuhang mag-artista at mapasama sa mga idinidirehe niyang pelikula.

Dumarayo pa raw si GM to as far as Batangas and Quezon in search of talents na tsina-charge niya ng as much as P30,000 kada ulo para sa acting workshop plus a promise na magkakaroon ng movie project na waley naman pala!

Kasong estafa ang isinampa laban sa kanya ng mga respondent.

Still, according to our source ay hindi na raw nila makontak si direk GM na mukhang nagtatago na.

Minsan nang nag-guest sa programang Cristy Ferminute si direk GM along with Katrina and Via para i-promote ang naturang pelikula. Na-impress pa nga ang inyong lingkod nang malaman naming naidirehe na rin pala ni GM si Nora Aunor in a movie.

Wala kaming kaalam-alam na two or three years ago pala’y may kinsangkutan itong kaso!

Moral lesson: Don’t be too trusting.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …