Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Salpukang Angel at Jessy, naudlot

HINDI pala natuloy ang guesting ni Angel Locsin sa Banana Sundae kaya naudlot ang pagtatagpo nila ni Jessy Mendiola.

Wala ring isnabang mangyayari dahil kung natuloy daw ang guesting ni Angel dahil nagkataong wala rin si Jessy noong taping na ‘yun. Si Jessy ang bagong nali-link kay Luis Manzano samantalang ex ng TV host si Angel.

Bebesohin ba ni Jessy si Angel at iwe-welcome bilang mainstay ng gag show?

“Yes, of course,” pakli niya sabay tawa.

If ever na matuloy, hindi naman siya mag-a-absent?

“Bakit naman po?,” balik–tanong ni Jessy.

“Hindi naman po ako ang may hawak ng show, eh. So, susunod din lang naman ako,” bulalas niya.

Ready siya na magkaeksena sila sa Banana Sundae?

“Baka po maging drama. ‘Di ba ayaw niyo po na maging drama?,” sambit niya.

“Bakit naman po hindi?,” dagdag pa niya.

Anyway, magdiriwang ng 8th anniversary ang Banana Sundae ngayong Nov. 17 sa Kia Theater. Abangan ang pasabog na group production numbers ng Banana Sundae barkada na sina Angelica Panganiban, John Prats, Pokwang, Pooh, Jayson Gainza, JC De Vera, Jessy Mendiola, Jobert Austria, Sunshine Garcia, at Aiko Climaco kasama pa ang kanilang surprise celebrity guests.

Laging makitawa at makisaya sa kuwelang barkada ng Banana Sundae tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP ng ABS-CBN 2.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …