Saturday , November 23 2024
Silhouette of a business man

Kolin aircon pampainit ng ulo! Lester airconditioning service & maintenance, marunong ba talaga kayong mag-maintain?!

Wala pang isang taon nang bilhin ng isang kaibigan natin ang isang inverter airconditioning unit ng Kolin.

Hanggang isang araw, nagulat na lang siya nang biglang namatay ang aircon.

Itinawag naman niya agad sa kanilang customers’ service.

Ang tagal bago nai-schedule ng kanilang customer service ang check-up sa kanyang aircon. Halos isang linggo bago siya napuntahan.

Sa madaling salita, dumating ang Kolin authorized maintenance mula raw sa Lester Airconditioning Service & Maintenance pero ang sagot sa kanya, “Akala po namin cleaning lang.”

So ito, tawag na naman sa customers’ service. Ganoon na naman, hintay na naman ng isang linggo.

Pagdating ng maintenance, umandar naman. Pero dalawang araw lang, namatay na naman.

Wattafak!

Naulit na naman ang paghihintay nang halos isang linggo bago dumating ang air-con technician, saka pa lamang sinabi na mayroong kailangan palitan na spare parts.

Matagal daw ‘yun, baka abutin ng dalawang linggo.

Anak ng teteng!!!

Paano ‘yung walang ibang yunit ng aircon? Magtitiis sa maalinsangan klima sa loob ulit ng dalawang linggo?!

Wala pang isang taon ‘yung under warranty na unit, bakit hindi palitan na lang para hindi napeprehuwisyo ang customer?!

Ganyan ba talaga ang serbisyo ng Kolin?!

Aba, kung bibili kayo ng airconditioning unit ngayon, pag-isipan ninyong mabuti kung Kolin ba ang pipiliin ninyo?!

E baka, sumakit at uminit lang ang ulo ninyo!

Kung Kolin ang bibilhin ninyo, samahan ninyo ng banig-banig na ADVIL.

Wanna try?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *