Thursday , June 4 2026

Ireen Cervantes, ibinuyangyang ang kanyang ‘tilapya’ sa pelikulang Area

WALANG takot sa kanyang mga eksena si Ireen Cervantes sa pelikulang Area na pinamahalaan ng award-winning filmmaker na si Direk Louie Ignacio, mula BG Productions International. Si Ireen ay ang dating Rajah Montero na kilala sa pagganap sa mga sexy role.

“Isa po akong babaeng bayaran dito, pokpok ang role ko rito sa Area,” nakangiting saad ni Ireen. “Magkakasama kami sa trabaho nina Ms. Ai Ai sa trabaho, mga pokpok kami sa isang kasa sa Pampanga,” dagdag pa niya.

Gaano ka ka-daring dito?

Sagot niya, “May frontal nudity po ako rito, pero kailangan kasi iyon sa eksena. Bilang isang prostitute sa kasa, normal lang ang ginawa ko ritong mga eksena. May puso ang pelikula namin at sure ako na magugustuhan ito ng manonood.”

Ang tinutukoy ng seksing alaga ni katotong Rodel Fernando ay nang nakikipag-sex siya sa customer na bukod sa ipinasilip niya ang kanyang pagkababae, may mga kaakibat itong pumping scenes na hubo’t hubad din siya at kita pati boobs niya.

Sa eksenang ine-eksamin sila ng doctor, sinabi rin ni Ireen na totoong wala siyang suot na panty dito. “Opo wala akong suot na panty talaga sa eksenang iyon, isa iyon sa mga eksenang may halong comedy. Pero iyon talaga ang reyalidad, ipinakita lang namin kung ano iyong buhay talaga ng mga pokpok. Na kailangan din ang regular na check-up.”

Ngunit nagpaka-daring man siya rito at naghubad nang todo, sinabi pa ni Ireen na proud siyang maging bahagi ng pelikulang Area. “Proud ako na maging bahagi ng pelikulang Area, kasi pang-international ang film na ito. Plus, isa itong art film talaga kaya malaking bagay sa career ko ito na maging part ako ng Area.”

Palabas na ngayong araw (Nov. 9) ang award-winning film na Area. Tinatampukan ito nina Ai Ai delas Alas, Allen Dizon, Sue Prado, Sancho delas Alas, Eufrocina Peña, Sarah Pagcaliwagan, Tabs Sumulong, at iba pa. Ito ay binigyan ng Grade-A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at ito’y nabigyan ng MTRCB ng rating na R-18, approved without cuts.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …