Wednesday , December 25 2024

Mga anomalya sa Manila City Jail (MCJ)

IBINULGAR sa atin ng isang impormante ang mga karumal-dumal na anomalyang sinasabing nagaganap sa loob ng BJMP Manila City Jail (MCJ) sa pamamagitan mismo ng mga detainee at mga kawani ng nasabing institusyon.

Ayon kay Godo (hindi tunay na pangalan), ang anomalya ay nagmumula sa mga cellphone ng mga inmate na sinasabing binabayaran sa mga awtoridad sa halagang P500 para magamit at mahawakan nila nang personal.

Kung wala aniya ang nasabing halaga, hindi puwedeng magkaroon at makagamit ng sarili mong CP

Pay upon registration!

Ang isa pang anomalya ayon kay Godo, ang

pakikipag-sex ng mga inmate sa kanilang mga dalaw sa loob ng mga comfort room na guwardiyado ng mga kapwa nila detainee sa halagang P200 kada 30 minutos.

May pribilehiyo daw kasi ang mga dalaw na maligo sa CR kahit anong oras.

Habang naliligo ay sasabayan na ito ng mga inmate na dinadalaw at dito na raw naisasagawa ng mga mag-dyowa ang anumang bagay na nais nilang gawin.

Instant at quickie sex, need na matapos kayo sa loob ng 30 minutos para naman sa mga susunod na gustong mag-release ng stress.

Matindi rin aniya ang kalakaran ng shabu sa loob ng MCJ dahil mas mura raw ang bentahan ng item dito kompara sa labas.

Dito raw ay makabibili ng shabu sa halagang piso o P100 samantala sa labas ay lowest P300 na ang bilihan.

Saksakan rin daw ang lakas ng diskarte at kitaan sa kanilang ‘commissary’ na ang nagpapatakbo ay jailguards na siguradong may basbas ng kanilang superior.

Mantakin ninyo, ang halaga ng isang stick ng sigarilyo ay sampung piso.

Walastik!!!

Wala rin daw pagkakaiba ang kalakaran sa loob ng MCJ at sa New Bilibid Prison (NBP).

Iisa rin ang estilo, pera-pera rin, palakasan ng koneksiyon at siyempre kasama na ang tapang sa puhunan.

Ayon kay Godo, ang MCJ ay nasa ilalim pa rin ng liderato ni dating Parañaque city jail warden ‘Superintendent Granada.’

Bansag lang daw po iyon.

Totoo man o hindi ang impormasyon, kayo na po ang bahalang bumusisi sa mga isyung ito SILG Mike Sueno!

UNDAS 2016, MATIWASAYAT TAHIMIK
NA GINUNITA SA MANILA NORTH CEMETERY (MNC)

Tahimik at matiwasay na ginunita ang Undas 2016 sa loob ng Manila North Cemetery (MNC) sa pangunguna ni MNC Director Daniel Tan at ng Manila Police District (MPD) na pinamunuan naman ni District Director Senior Superintendent Joel Coronel.

Naging establisado ang kalakaran maging sa entrance at exit ng nasabing sementeryo na sinasabing pinakamalaki at pinakamalawak sa buong bansa na may sukat na 54 ektarya.

Napanatili ang disiplina at respeto sa isa’t isa. Naging masunurin ang publiko sa tuntutunin ni Director Tan.

Hindi na nagtangka pang magdala ng mga ipinababawal kagaya ng alak, matatalas na bagay, malalakas na sounds.

Nagkaisa ang lahat kung kaya’t positibo ang resulta.

Walang naging untoward incidents maliban sa mga batang nawawala ngunit agad rin naman natunton ng kanilang mga magulang.

Sa pagkakataong ito, binabati natin si Director Tan at S/Supt. Joel Coronel at higit sa lahat ang hanay ng pulisya sa MPD.

Job Well Done! Mabuhay Kayo!

KUDOS SA NCRPO AT MPD!

Binabati rin natin ang pamunuan ng PNP-NCRPO sa pamumuno ni regional director (RD) C/Supt. Oca Albayalde dahil talagang hands-on ang opisyal sa paglilibot sa mga sementeryo sa kanyang AOR lalo sa Maynila.

Ganoon din sa masisipag na pulis at mga opisyal ng MPD na sina PS3 commander, Supt. Santiago Pascual, PS3 Blumentritt PCP chief, C/Insp. Marlon Mallorca, PS-7 commander Supt. Alex Daniel sa maayos na peace & order.

Umasiste rin sina PS2 chief, P/Supt. Ibay at PS6 commander Supt. Domingo at kanilang mga tauhan sa Manila South cemetery.

Pinasasalamatan rin natin ang volunteer groups gaya ng TAGASUPIL, MPD Auxillary at iba’t ibang fire and rescue volunteers na nagsilbing Paramedics katuwang ng Red Cross gaya ng ALPHA Bro Fire and Rescue at MDRRMC.

Mula sa mga Manilenyo, maraming salamat mga sir!

YANIG – Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *