HINIKAYAT ng Commission on Election ang mga Filipino sa ibang bansa na magparehistro online para makasali sa May 2019 midterm elections.
Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez, maaring makapagrehistro ang mga OFW sa pamamagitan sa online www.comelec.gov.ph.
Magiging available ang nasabing Overseas Form No. 1 mula Disyembre 1, 2016 hanggang Setyembre 30, 2018.
Base sa kanilang record, umabot sa 1,376,067 overseas Filipino voters ang nakapagparehistro worldwide noong May 2016 elections.