Sunday , November 24 2024

Sampalin lahat ng mangingikil!

Galit ang Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Kaya siguro nakapagsalita siya sa harap ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Tokyo na sampalin ang lahat ng mga nanghihingi ng pera o nangingikil sa kanila na taga-Immigration o taga-Bureau of Customs (BoC) o kahit mga pulis.

Ibang klase talaga ang presidente natin ngayon. Binibigyan niya ng lakas ng loob ang mahihina habang tinatabasan ng pangil ang mga maninila.

Pero parang gusto nating hilingin sa Pangulo, puwede bang lahat ng mangingikil ay sampalin?!

Kahit ‘yung mga taga-city o municipal hall na grabeng makapangikil sa mga kumukuha ng Mayor’s o business permit.

E, Mr. President, puwede bang ang unang sampalin ‘yung ganid at hidhid sa mga local government units na grabeng makapangikil?!

Sila ang unang dahilan kung bakit maraming negosyante ang nagsasara na lang ng kanilang mga kompanya.

Kasi sa laki ng hinihingi nila, naubos na pati ang kita.

Ibig sabihin mga mangingikil ang may malaking ganansiya habang ang mga namumuhunan ay lalong nakakatasan.

Sampalin na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *