Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Bakit pinayagan ni Sec. Bello si Bistek?

PURO kapalpakan talaga itong si Labor Sec. Silvestre Bello III. Biruin mo ba namang tanggapin nitong si Bello si Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista na maging miyembro ng government peace panel na makikipag-usap sa National Democratic Front.

Alam kaya nitong si Bello ang kanyang ginagawa?  Hindi puwedeng dahil siya ang chief negotiator ng GPH peace panel, e, puwede na niyang kunin kahit na sinong basura para isali sa usapang pangkapayapaan.

Hindi dahil may master’s degree si Bistek sa national security administration ay may lisensiya na siya para sumalang sa usapang pangkapayapaan.  Hindi ba alam ni Bello na isinusuka si Bistek ng mga maralita sa QC dahil itinuturing siyang utak ng mga paggiba sa kanilang tinitirhang mga barungbarong.

Kung anti-poor si Bistek, ano ang pagmumukha ang ihaharap niya sa panel ng NDF na alam naman ng lahat na kaya sila nagrebelde laban sa gobyerno ay dahil sa isyu ng kahirapan. Malaking katanungan talaga kung bakit mabilis na tinanggap nitong si Bello si Bistek sa kanilang grupo.

Seryoso ba talaga itong si Bistek sa usapang pangkapayapaan?  Mas mabuti sigurong asikasuhin na lang niya ang peace and order sa QC dahil hanggang ngayon ang usapin sa krimen lalo ang ipinagbabawal na gamot ay malaganap pa rin dito.

Ang bilis magka-amnesia nitong si Bello. Mukhang nakalimutan na niyang si Bistek ay opisyal ng Liberal Party (LP), ang partidong walang ginawa kundi upakan si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte noong nakaraang eleksiyon at inuupakan pa rin hanggang ngayon.

Marami tuloy sa grupo ni Digong ang nagagalit kay Bello dahil sa ginawang pagkuha kay Bistek bilang government peace negotiator.  ‘Yung mga nagpakahirap mismo noong nakaraang kampanya para kay Digong ay mukhang iniwan at ipinagpalit ni Bello sa isang taga-LP.

Namumuro na itong si Bello kay Digong, hindi lamang sa usapin ng pagkuha niya kay Bistek bilang negosyador kundi pati na rin sa isyu ng contractualization o ENDO na ipinangako ni Digong na kanyang bubuwagin dahil ito ay kontra manggagawa.

Hanggang ngayon patuloy na ‘tinutulugan’ ni Bello ang isyung ENDO at mukhang lumalabas na kinakatigan pa niya ngayon ang mga employer tungkol sa usapin ng contractualization.

Tigas talaga ng mukha nitong si Bello, pero sa tingin ko higit na matigas ang pagmumukha nitong si Bistek.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *