INALMAHAN ng militanteng grupo ang inilabas sa kanilang subpoena ng PNP para sa imbestigasyon kaugnay sa marahas na dispersal sa mga raliyista sa harap ng US embassy noong nakaraang linggo.
Ayon kay Jerome Succor Aba ng grupong Suara Bangsamoro, hindi sila ang dapat na isina-subpeona dahil sila ang mga biktima. Giit niya, dapat pabor sa kanila ang hustisya.
Pahayag niya, wala silang tiwala sa isinasagawang sariling imbestigasyon ng PNP kaya hindi nila sisiputin ang pagpapatawag sa kanila.
Habang nanawagan ang militanteng grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng isang independent investigating body na tutukoy kung sino-sino ang may pananagutan sa nangyaring insidente.
Nais aniya nilang pangunahan nina Pangulong Duterte, PNP chief, Director General Ronald dela Rosa at Department of Justice (DoJ) ang bubuuing investigating body.