Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

6 batang hamog inararo ng tren 3 patay, 3 sugatan (Nakatulog sa riles)

102316_front

PATAY ang tatlong batang hamog habang tatlo ang sugatan kabilang ang naputulan ng dalawang hita at kaliwang kamay at sugatan sa ulo, makaraan araruhin nang rumaragasang tren ng PNR sa Sta. Cruz, Maynila nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang namatay na sina Andrea Regino, 13; alyas Jane, 13; at Sandy Guillen, 13-anyos.

Naputulan ng dalawang hita si Anthony de Mesa, 12; si Joshua Nepomuceno, 12, ay naputulan ng kaliwang kamay, at nagkasugat sa ulo; at si Jennyrace Eugenio, 13, ay nasugatan sa ulo at hita.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Borbon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong 5:15 am nang maganap ang insidente sa southbound lane sa harap ng bahay na may numero 1864 at 1865 sa Antipolo St., Sta. Cruz, Maynila.

Samantala, tumakas ang driver ng PNR train na si Joel Bolo at ang mekaniko ng tren na si Berjerio Suarez, ayon kay Security Officer Pedro Bisa Jr., imbestigador ng PNR.

Ayon sa kaibigan ng mga biktima na si John Ace Awitan, 15, nag-inoman ang mga biktima sa riles ng tren at sa kalasingan ay doon nakatulog.

Ngunit nang paparating ang tren ay hindi napansin ng driver ang mga biktima hanggang masagasaan.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

ni LEONARD BASILIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …