NAPANOOD namin ang pelikulang Area last Saturday sa ginanap na premiere night/closing film ng QCinema International Film Festival at pawang papuri ang tinanggap ng bagong obrang ito ni Direk Louie Ignacio mula BG Productions International.
Ang pelikulang Area ay sumasalamin sa kalagayan ng mga taong kapit sa patalim para lang maka-survive sa hirap ng buhay, kahit na magpakababa sila sa pagbebenta ng laman. Hinggil ito sa isang lugar sa Angeles City na tinatawag na Area na may mga prostitute sa murang halaga.
Magagaling ang lahat ng nagsipagganap dito sa pangunguna nina Ai Ai delas Alas at ng award-winning actor na si Allen Dizon. Pati supporting casts na sina Sue Prado, Sancho delas Alas, Eufrocina Peña, Sarah Pagcaliwagan, Tabs Sumulong, at Irene Cervantes ay magagaling.
Nang natapos ang pelikula ay kinuha namin ang comment ni Ms. Ai Ai sa reaksiyon ng mga manonood? “Nagpapasalamat ako, thank you kasi parang naligayahan naman sila, natuwa naman sila sa palabas and it’s a very heartwarming film. And hindi lang yon, hindi lang ito about sa prostitution dahil makikita mo yung struggle tsaka yung hirap noong Area. So, makaka-sympathize ka roon sa mga tao na ‘yun, yung trabaho roon,” saad ni Ms. Ai Ai.
Anong na-feel niya nang nanalo ng Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival sa Almaty, Kazakhstan ang kanilang pelikula?
Sagot ng komedyana, “Siyempre ay masaya, na-recognize ka sa ibang bansa, it’s very fulfilling iyong pakiramdam, kasi na-appreciate nila yung film natin. Syempre masaya ako, kasi nabuhay ang pelikulang Pilipino!:
Sinabi rin ni Ms. Ai Ai kung gaano siya ka-proud sa anak na si Sancho na gumanap na bugaw na sidekick dito ni Allen.
“Siyempre naman proud ako, sabi ko nga hindi dahil sa anak ko siya ha. ‘Tsaka parang ‘di kasi siya baguhan. In fairness, marunong na talaga siyang umarte rito sa pelikulang Area. Congrats anak, I am so proud of you,” masayang saad niya.
Nagpasalamat din si Ms. Ai Ai sa BG Productions lady boss na si Ms. Baby Go at inimbitahan niya ang publiko na panoorin ang regular showing ng pelikula nila.
“Thank you Tita Baby and sana ay marami ka pang maiprodyus na pelikula para sa mga Filipino. Kasi maganda siya, it’s an art film and sana ay lumawak pa ang iyong pagpo-produce ng magagandang pelikula.
“Sana ay mapanood po ng ating mga kababayan ang Area na showing na sa November 9, dahil ito’y isang pelikulang Filipino na maa-appreciate nyo talaga.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio