Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boyet, aminadong minsang nasira ng droga ang kanyang buhay

HINDI kami nagulat sa sinabi ni Christopher de Leon noong humarap sa press para sa pelikula niyang The Escort, na minsan sa kanyang buhay ay nasira rin siya dahil sa droga. Natatandaan namin, mga ilang dekada na ang nakaraan nang maikuwento rin iyan sa amin ni Boyet nang kausapin namin siya para sa isang serye ng kanyang buhay na isinulat namin noon sa isang magazine.

Naging honest si Boyet maging sa interview namin noon, at may mga bahagi pa na inalis ng ming editor dahil sa tingin niya, masyadong matindi ang pagkakalarawan ng mga nangyari kay Boyet. May panahon din namang iniiwasan ng mga producer na kunin si Boyet sa mga pelikula nila, dahil noon nga ay sinasabi nilang problema siya sa shooting.

Siguro nga masyado siyang naapektuhan ng mga emotional problems niya noong mga panahong iyon. Pero ang laki ng ipinagbago ni Boyet nang magkaroon ng isang tahimik na pamilya. Siguro nga maibibigay natin ang kredito sa kanyang asawang si Sandy Andolong. Nagbago ang kanyang buhay, nalapit din naman siya sa Diyos lalo na nang makasali siya sa Oasis of Love, na hanggang sa ngayon ay aktibo siya. Complete turn around ang nangyari sa buhay ni Boyet. Kaya sino nga ba ang makapagsasabi na ang ibang mga taong kung ituring ngayon ay problema ay hindi na magbabago?

Iyong pagbabago kasi talagang nasa tao na iyan. Kung gusto mong gawing matino ang buhay mo ay magagawa mo. Iyong sinasabi ni Boyet, palagay namin sinasabi niya iyan para maka-encourage siya sa kung sino man ang gumon pa sa masamang bisyo na magbago na habang may panahon pa. Wala ka talagang panalo sa droga, at iyon ay nasasabi niya dahil sa kanyang naging karanasan sa buhay.

Kaya nga noong araw, lalo na nang maging isang public official si Boyet, sagad din ang kampanya niya laban sa droga. Pero ang kampanya niya noon laban sa droga ay may puso, dahil alam niya ang isang biktima ay maaari pa talagang magbago. Nangyari sa kanya eh.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …