Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo Ballesteros, enjoy sa paggawa ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?

IPINAHAYAG ni Paolo Ballesteros na enjoy siya sa kanilang pelikulang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? na pinagbibidahan nila nina Anne Curtis at Dennis Trillo para sa Viva Films. Mula sa pamamahala ni Direk Jun Lana, showing na ngayon ang naturang pelikula.

Ayon kay Paolo, mami-miss niya ang naging bonding niya sa lahat ng nakasama sa  pelikulang ito.

“Very, very light lang kasi sa set, para lang kaming naglalaro sa camera. So I guess, iyon ang mami-miss naming lahat. Even ang mga crew, sila direk (Jun), ang gaan lang ng trabaho namin,” wika ng isa sa kuwelang casts ng Eat Bulaga.

Hinggil naman sa kissing scene niya rito sa kapwa lalaki, sinagot rin ni Paolo kung paano siya napapayag na gawin ang naturang eksena.

”Magaling si Direk Jun at saka smack lang naman iyon,” nakatawang esplika ni Paolo.

Idinagdag pa ni Paolo na masaya siya sa magandang feedback na natatanggap para sa kanilang pelikulang ito.

Actually, hindi lang si Paolo ang nagpahayag na enjoy siya sa project na ito. Maging si Dennis ay nagpasalamat sa opportunity dahil dream come true raw para sa kanya ang makasama sina Anne and Paolo sa isang pelikula. Para kay Anne naman, although bitin siya dahil sandali lang ang kanyang pakikipagtrabaho kina Pao at Dennis, sinabi niyang isang great experience raw ito.

Ibang kombinasyon ang makikita kina Anne, Dennis at Paolo sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?, kaya hindi dapat palagpasin ang pelikulang ito.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …