MGA papuri ang ibinigay ng tatlong director na sina Jun Robles Lana, Perci Intalan, at Prime Cruz kay Ryza Cenon. Ang Kapuso aktres ang bida sa pelikulang Ang Manananggal Sa Unit 23B na pinamahalaan ni Direk Prime Cruz. Ito’y mula sa The IdeaFirst Company nina Direk Perci Intalan and Jun Robles Lana. Isa ito sa entry sa QCinema Film Festival.
Bukod kay Ryza, kasama rin sa pelikula sina Martin del Rosario, Vangie Labalan, Cholo Barretto, at iba pa.
“Ang galing-galing niya! Seksi pa!” wika ni Direk Jun.
“I’m happy with Ryza’s performance. Sina Ryza and Martin are both thinking actors. They ask a lot of questions about their character and the intentions of the scene we’re doing,” tugon naman ni Direk Prime.
Nahirapan ka bang i-convince si Ryza sa masturbation scene niya sa pelikulang ito?
“When I offered the role to Ryza, sinabi ko na agad na may masturbation scene and ganito yung shot. Pumayag naman siya, kasi nakita niyang kailangan sa pelikula,” esplika pa ni Direk Prime.
Sinang-ayunan naman ni Direk Perci ang dalawa, “Magaling talaga rito si Ryza, bukod pa sa sexy at daring talaga siya rito. Mabait at professional si Ryza, bilib kami sa kanya na pumayag siyang gawin ang masturbation scene rito.”
Nang intrigahin naman ng ibang kasama sa panulat si Direk Jun kung sino ang mas magaling kina LJ Reyes at Ryza, ito ang kanyang sagot.
“Hindi ako sure. Nakagawa na kasi ako kay LJ kaya exciting ‘iyong kay Ryza. Parang may ilalabas pa ang batang ito. I am planning to work with her in another film. Palagay ko ito ‘yung time na magsa-shine siya,” pahayag ng awarad-winning direktor.
Mayroon kasing indirektang intrigang namamagitan kina LJ at Ryza. Kapwa produkto sila ng StarStruck at nahawakan ni Direk Jun. Si LJ ay sa pelikulang Anino Sa Likod ng Buwan na nagpaka-daring ang aktres at nagpakita pa ng boobs. Dito’y nanalo ng acting awards si LJ.
Although sa panayam kay Ryza, nilinaw niyang walang kompetisyon sa kanila ng kapwa Kapuso aktres.
Anyway, congrats kay Direk Prime sa pagkapanalo niyang Best Direktor para sa naturang pelikula ni Ryza sa QCinema International Film Festival at Vangie Labalan bilang Best Supporting Actress naman.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio