Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Anti-worker si Sec. Bello

KUNG may isang taong hindi dapat pagkatiwalaan ng mga manggagawa, siya ay walang iba kundi si Labor Sec. Silvestre Bello III.  Hindi kailangang magtiwala kay Bello dahil malamang na ipagbili niya ang interes ng mga manggagawa pabor sa interes ng mga negosyante.

Sa halos apat na buwan na panunungkulan sa Labor Department, mukhang walang ginagawang aksiyon itong si Bello sa isyu ng contractualization o ENDO (end of contract). Sabi nga, pakuya-kuyakoy lang si Bello, magaling magpaikot dahil abogado.

Malinaw na pagsuway sa kautusan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang ginagawang ‘pagtulog sa pansitan’ ni Bello sa usapin ng ENDO. Kung matatandaan kasi, bago pa man makapanumpa si Digong sa puwesto, nangako siyang wawakasan ang pagpapatupad ng ENDO sa mga negosyo.

Pero laging may palusot itong si Bello. Sinasabi niyang kailangan meron “unified position” ang mga manggagawa bago raw maresolba ang ENDO. Naku naman Mr. Secretary, sinabi na nga ni Digong na tapusin mo na ‘yang ENDO, e.

At sa nakaraang Labor Summit na ipinatawag mismo ni Bello, malinaw na nagkakaisa ang posisyon ng mga manggagawa na nais nilang wakasan na ang sistemang ENDO. Ang pagpapatupad kasi ng ENDO ay pabor sa mga negosyante at malinaw naman na pagsasamantala sa mga manggagawa.

Nakalimutan na rin ba ni Bello ang mga nauna niyang pahayag na kanyang tatapusin ang ENDO bilang bahagi ng pagbagbago na isinusulong ng administrasyon ni Duterte? Pero nakalulungkot dahil habang tumatagal sa puwesto si Bello lalo lamang tumitindi ang ENDO sa mga negosyo.

Kung hindi rin alam ni Bello, hanggang ngayon ay patuloy ang pagsasagawa ng kilos-protesta ng mga manggagawa sa Tanduay Distillers sa Laguna  dahil sa isyu ng regularisasyon. Sa AGC Flat Glass Inc., normal ang ginagawang retrenchment ng may-ari ng kompanya kasabay ng malaganap na ENDO.

At kung hindi pa rin alam ni Bello, sa SM na pag-aari ng bilyonaryong si Henry Sy, hanggang sa PLDT, at malalaking banko at factories ay malaganap ang contractualization o ENDO.

At ngayon, sa halip na kampihan ang mga manggagawa, ang WIN-WIN solution naman ng mga negosyante ang inilalako ni Bello para raw matapos na ang usapin sa contractualization o ENDO.

Hindi na inisip ni Bello ang kapakanan ng mga obrero at sa halip ay inuna pa ang interes ng mga negosyante.  Hindi makita ni Bello na ang tinutumbok na problema dito ay pagpapatupad ng hindi makatuwirang ENDO na dapat nang wakasan.

Sa mga ginagawa ni Bello, mukhang hindi siya nararapat na maging secretary ng Labor Department. Makabubuti siguro na habang maaga ay magbitiw na lang siya.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *