Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin at cast ng FPJ’s Ang Probinsyano, biyaheng Middle East

MATAPOS ang matagumpay na kick off ng “Ang Probinsyano: Isang Pamilya Tayo” nitong linggo, dadalhin naman ng ABS-CBN at ng The Filipino Channel (TFC) ang long-running at award-winning teleserye overseas sa kauna-unahang pagkakataon sa December 2 sa Al Khobar, KSA at sa December 3 sa Dubai, UAE upang personal na ipaabot ang pasasalamat ng cast.

Bilang pasasalamat ng “Ang Probinsyano” sa isang taon ng pagtangkilik ng mga Filipino sa buong mundo at isa ring pasakalye sa 20th anniversary celebration ng ABS-CBN TFC sa Middle East, magtatanghal ang sinusubaybayang programa sa loob at labas ng Pilipinas ang performances ng piling cast sa pangunguna ng Primetime King na si Coco Martin sa Middle East leg ng pasasalamat concert.

Unang makakasama sina Coco, sidekick na si Pepe Herrera at “The Voice of the Philippines Season 2” semi-finalist Daryl Ong sa pinakaaabangang Filipino Community Day, Tourism and Trade Exhibit ng Philippine – Saudi Arabia Hiligaynon, Incorporated or Social Assistance to Homesick Ilonggos (PINAS-SAHI) sa pakikipagtulungan ng TFC, sa Al Shola Tourist Village – Aziziyah, Al Khobar, KSA.

Simula pa noong 2005, katuwang na ng TFC ang PINAS-SAHI sa paglunsad ng TFC Hour sa Filipino Community Day, Tourism and Trade Exhibit. Ito ay bilang bahagi ng obhektibo ng PINAS-SAHI na pagsama-samahin ang mga Filipino sa Western Region bilang bahagi ng misyon nitong “Tradisyon Naton, Manggad Sang Hiligaynon.”  Ang pagbabahagi ng pasasalamat ng “Ang Probinsyano” ngayong taon, ay patunay lamang sa tuluy-tuloy na samahan ng TFC at PINAS-SAHI na itinatag sa parehong taon.

Susunod na magpapasaya naman sina Martin, Herrera, at Ong, kasama sina Yassi Pressman, child sensation na si Xymon Ezekiel “Onyok” Pineda, sa Al Nasr Leisureland sa Dubai.

Ang “Ang Probinsyano: Isang Pamilya Tayo” ay magaganap sa December 2 sa Al Shola Tourist Village – Aziziyah, Al-Khobar, KSA. Ang tickets ay nasa SAR35 (kasama ang ilang resort amenities).  Magaganap din ito sa Al Nasr Leisureland sa Dubai sa December 3. Ang tickets ay nasa AED25. Para sa ticket inquiries, makipag-chat sa amin sa Facebook (facebook.com/TFCMiddleEast) o bisitahin angeme.kapamilya.com  Para sa booth at sponsorship inquiries, tawagan ang +971 55 983 6205 at +97155 2427626.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …