Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ysabel Ortega, excited na sa 30th Star Awards For TV ng PMPC

NAGPAHAYAG nang sobrang kagalakan si Ysabel Ortega nang nalaman niyang nominado siya sa 30th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na gaganapin sa October 23, 2016 sa Monet Grand Ballroom, Novotel Hotel. Sinabi niyang excited siya dahil ito ang unang pagkakataon na ma-nominate siya.

Ipinahayag din ng young actress ang kagalakan sa pagkilala sa kanya rito. “I was very grateful po sir to have been nominated for my very first award and very honored po ako na PMPC has acknowledged my performance in Born For You.”

Bukod sa PMPC, pinasalamatan din ng magandang talent ni katotong Ogie Diaz ang mga nakasama sa dating TV series na Born For You.

“Well unang-una sa lahat, gusto ko po i-congratulate ang Born For You family kasi we really put so much love in the show and I am very thankful once again that PMPC has acknowledged BFY. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng nakasama ko po rito, kasi ang dami po nilang naituro sa akin, it’s very humbling to have worked with such amazing actors and directors,” wika ni Ysabel.

Dagdag pa niya, “Sobra po akong nag-enjoy nang ginagawa ko ito, it was my very first time po kasi to play antagonist.”

Masasabi mo ba na parehong may utang na loob ka sa OTWOL na nauna mong serye at sa BFY?

Sagot niya, “Definitely po, sobrang nagpapasalamat po ako dahil binigyan po nila ako ng pagkakataon na maging part po ng OTWOL and BFY and natutupad na po ang mga pangarap ko dahil po sa kanila.”

Gusto mo ba ulit na ang role mo, kontrabida? “Kahit ano pong role ang makuha ko next, I will be super grateful po sir.”

Nag-e-expect ba siyang manalo ng award dito?  “Siguro, whatever happens po sa awards night, I will remain honored and thankful.”

Nominado si Ysabel para sa Best New Female TV Personality para sa seryeng pinagbidahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona. Ang kasama niyang nominees dito ay sina Ria Atayde (Maalaala Mo Kaya- Puno Ng Mangga, ABS CBN-2), Ayra Mariano (Poor Senorita, GMA 7) Dawn Chang (MMK – Kuweba, ABS-CBN 2) Kira Balinger (The Story Of Us, ABS-CBN 2) Miho Nashida (It’s Showtime, ABS-CBN 2) Ria Atayde (MMK – Puno Ng Mangga, ABS-CBN 2) Yaki Saito (Parang Normal Activity, TV 5) Ylona Garcia (On The Wings Of Love, ABS-CBN 2).

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …