Tuesday , December 24 2024

DOJ Secretary Vitaliano Aguirre you’re the best!

MARAMING magagaling na Gabinete si Pangulong Duterte at isa na rito ang hinahangaan nang marami ngayon na si Sec. Atty. Vitaliano Aguirre II ng Department of Justice.

Low profile at maraming accomplishment bilang public servant.

Kaya naman ating ilalatahala ang maikling kuwento sa buhay ng ating mahal na secretary ng DOJ na si Atty. Vitaliano Aguirre II.

Isinilang siya sa matulaing bayan ng Mulanay noong Oktubre 16, 1946 sa mag-asawang dating Mulanay Mayor Alfaro G. Aguirre at Maria Napenas-Aguirre. Panganay siya sa siyam na magkakapatid na may tatlong lalaki at anim na babae.

Kasal kay Marissa Lim-Aguirre at nagkaroon sila ng tatlong anak na lalaki. Nag-aral siya ng elementarya sa Mulanay Elementary School, dito siya nagpakita ng galing at talino sa kanyang pag-aaral.

Nakuha niya ang karangalang “First Honors” mula Grade 1 hanggang Grade 5, at itinanghal na Valedictorian nang siya ay nagtapos ng Grade 6 noong 1959.

Pumasok sa high school ng San Beda College sa Mendiola, Manila bilang full scholar at napanatili niya ito sa loob ng apat na taon na walang binabayarang tuition sa exclusive school for boys at isa sa pinakamagaling na paaralan sa buong Filipinas.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral bilang full scholar, muli sa San Beda at kumuha siya ng Bachelor of Arts hanggang siya ay makapagtapos at ginawaran ng karangalang Magna Cum Laude, at Salutatorian ng kanilang klase.

Wala pa rin siyang binayarang tuition sa loob ng apat na taon.

Ang ambisyon niya ay maging isang abogado kaya’t nagpatuloy siyang mag-aral sa San Beda College of Law, isa sa pinakamagaling na college of law sa buong Filipinas.

Full scholar pa rin siya sa loob ng apat na taon at sa pagpupunyagi at angking katalinuhan, nagtapos siya bilang Valedictorian at Cum Laude. Siya ang bumigkas ng ‘valedictory address’ sa harap ng lahat ng nangagsipagtapos sa San Beda College noong 1971.

Kumuha ng Bar Examinations noong 1971 at nakapasa na may gradong 85.25%.

Nagtayo ng malaking law office sa Ayala Ave., sa Makati City, kasama ang kanyang mga ka-partner na sina dating ConCon Delegate Rodolfo D. Robles, dating COMELEC Chairman Sixto S. Brilliantes Jr., Atty. Jose M. Ricafrente, dating Supreme Court Justice Antonio B. Nachura, at dating Labor Attache sa USA na si Antonio A. San Vicente.

Siya rin ay Awardee ng Quezon Medalya ng Karangalan, ang highest award ng Province of Quezon na iginawad sa kanya noong August 19, 2015.

Outstanding Litigator ang iginawad ng Lex Talionis Fraternitas, Inc., sa kanya noong April 12, 2015.

Siya rin ay Distinguished Bedan Award sa field of Law (Private Practice) na ibinigay ng San Beda College Alumni Association, Inc., noong February 12, 2013.

Bedan Recognition Award for Private Practice of Law (Litigation) given by the San Beda Law Alumni Association on November 29, 2012

Commendation under Resolution No. 263 (Adopted by the House of Representatives on June 6, 2012) commending the private prosecutors of the House Prosecution Team for their unprecedented achievement during the impeachment trial of Chief Justice Renato C. Corona, thereby upholding this institution’s commitment to uphold the rule of law and to answer the people’s call for truth, justice, transparency, and accountability in government.

Kaya naman hindi nagkamali ang ating mahal na Pangulong Duterte sa pagtatalaga sa kanya sa Department of Justice dahil siya ay magaling, masipag at matalino. Dahil sa dami ng kanyang karanasan ay napaangat niya ang kanyang buhay sa sariling sikap.

Napakagaling niyang mag-imbestiga sa sinasabing pagkakasangkot ni Senator De Lima sa drug trade at nakita naman natin na hindi siya bara-bara at dumaraan talaga sa rule of law si Secretary Aguirre.

Sa kanya lang, managot ang dapat managot sa drug trade at maparusahan ayon na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte.

Mabuhay ka Secretary at Pangulong Duterte!

God Bless us all!

***

May dalawa daw abogado sa BOC ang super garapal ngayon.

Nagtataka ang mga broker dahil kapag bigtime na broker o negosyante  ay nagla-lock sa kuwarto nila na parang nag-i-examine sila sa pagka-abogasya, pero kapag small time na broker ay naka-open ang kuwarto nila.

Kaya ang tawag sa opisina nila ngayon ay close open division! Nagtataka rin ang customs employee kung bakit daw nariyan pa sila kahit lantaran na sinuportahan nila ay si Binay at Poe last election.

May isang alias Atty. WIN na kontrobersiyal sa customs ang isa pang tirador diyan.

Pangulong Duterte, Sir, ipa-check po ninyo ito.

***

Maganda pa rin ang ginagawa ni Collector Edgar Macabeo sa NAIA Customs.

Hindi nagpapabaya sa kanyang trabaho dahil gusto niyang matulungan ang anti-corruption campaign ni Pangulong Digong.

Kaya naman lahat ay ginagawa niya upang lalo pang tumaas ang koleksiyon ng Bureau.

Sunod-sunod ang kanyang huli sa NAIA.

Hindi rin nagpapabaya ang kanyang deputy collector sa NAIA kagaya ni Coll. Manny Mamadra na talagang masipag at matalino.

Lahat halos sa BOC-NAIA ay maaasahan ni Comm. Nick Faeldon, nariyan sina Coll. Dr. Nerza Rebustes, Lt. Reggie Tuason, Coll. Ramon Anquilan, Atty. Rupert Bustamante, Coll. Emy Balatbat, ang CAIDTF at lahat sa ESS-NAIA.

Mabuhay kayo sa Customs NAIA!

PAREHAS – Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *