Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, Liza, Enrique, atbp, bahagi ng TFC’s Tatak Star Magic sa Australia

BILANG pagbibigay-pugay sa galing ng Filipino at selebrasyon ng ika-25 taon ng ABS-CBN talent management arm na Star Magic, ihahatid ng The Filipino Channel (TFC) sa Sydney, Australia: ang “Tatak Star Magic in Australia” ngayong October 30 sa Sydney Olympic Park Sports Centre.

Ayon kay ABS-CBN Asia Pacific Managing Director Ailene Averion, ang anniversary concert na ito ay bahagi ng misyon ng TFC na ibahagi ang maipagmamalaking talento ng mga Filipino sa mundo. Aniya, “TFC believes in  the greatness of the Filipino from across fields.  In the line of the performing arts, we have witnessed countless Filipinos bring pride to the Philippines from all over the world.”  Dagdag pa niya, “This time, TFC and Star Magic bring five prime celebrities who represent some of the best in the mixed genres and have made their mark in their own fields.”

Ang “Tatak Star Magic in Australia” ay isa ring pasasalamat ng Star Magic sa mga Filipino sa iba’t-ibang bansa na sumusuporta sa bawat proyekto ng kanilang mga artista.  Kaya naman dadalhin nila sa Australia ang lima sa premyadong artista nila.

Una na rito ang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual. Dekalibreng musical performances naman ang ihahatid ng tinaguriang Pop Rock Superstar na si Yeng Constantino, na napipintong kantahin ang mga paboritong OPM hits ng mga Kapamilya sa Australia. Kasama niya ang isa sa pinakamalaking Filipino love teams at ang bida sa katatapos lamang na well-loved series na “Dolce Amore” na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Kukumpletuhin naman ng komedyanang si Pokwang ang well-rounded entertainment sa pamamagitan ng kantahang may halong tawanan sa show. Isang palabas na puno ng world-class performances, kakikiligan, at katatawanan ang aabangan ng mgaKapamilya natin sa Australia sa sa “Tatak Star Magic in Australia” na gaganapin sa October 30 sa Sydney Olympic Park Sports Center sa Sydney, Australia.

Para sa tickets, bisitahin ang website na www.ticketdirect.com.au

Para maki-connect sa kapwa global Kapamilyas, bisitahin ang facebook.com/TFCAustralia at i-follow ang @KapamilyaTFC sa Instagram at Twitter.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …