Friday , April 18 2025

Wikang Filipino sa siyensiya isinusulong

GAGAMITIN na sa siyensiya at matematika ang wikang Filipino.

Isa ito sa mga tinalakay sa Pambansang Kumperensya at Sawikaan 2016 sa pangunguna ng Filipinas Institute of Translation (FIT) kaagapay ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Center for Culture and the Arts (NCCA), at University of the Philippines Diliman-College of Education.

Ang programang may temang “Wikang Filipino bilang wikang Siyentipiko” ay nakatuon sa paggamit ng Filipino sa pagtuturo ng mga asignatura tulad ng Ekonomiks, Siyensiya, Pilosopiya, Agham at Matematika, at Pananalapi.

Kabilang sa mga nagsalita ang Deputy Governor for the Monetary Stability Sector ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na si Diwa C. Guinigundo.

Ibinida ni Guinigundo ang pakikipagtulungan ng BSP sa Phoenix Publishing House sa paglathala ng mga aklat para sa elementarya na aniya’y tungkol sa tamang pag-iimpok ng salapi.

Samantala, pinag-iigihan ni Dr. Agustin Arcena at ng College of Economics katuwang ang College of Education, ng UP na maituloy ang naudlot na proyektong makalathala ng “teacher’s guide” para sa mga guro ng Ekonomiks sa sekondarya.

Nagkakaisa sina Guinigundo, Arcena at sina Dr. Mario Miclat ng National Committee of Language and Translation (NCLT), Dr. Jovino de Guzman Miroy ng Ateneo de Manila University, at Prop. John Gabriel Pelias ng UP Surian ng Matematika, tungo sa iisang layunin na magkaroon ng standard manual o module na gagawing batayan sa kanilang pagtuturo.

Bagaman mahirap ang pagbabagong tinutukoy na nangangailangan ng malawakang pagkilos at kooperasyon mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, malakas ang paniniwala na makakamit ang ganap na intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.

Katuwang ang mga guro na dumayo mula sa iba’t ibang rehiyon ng Filipinas, binuo ng FIT at ng tagapangulo ng KWF, ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura na si Virgilio S. Almario, ang resolusyon na naglalayong agarang maipatupad ang pagtuturo ng agham at matematika sa wikang Filipino.

Binigyang-diin ng resolusyon ang pagbibigay ng malawakang training para sa mga guro ng mga nasabing asignatura, at ang paghimok sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED)  na maglaan ng sapat na pondo para sa materyal at kasangkapang makatutulong sa paglinang ng wikang Filipino sa nasabing larang.

Isusumite sa DepEd at CHED, ang mga ahensiyang sangkot sa pagpapayaman ng edukasyon sa bansa, ang panukalang resolusyon na nilagdaan ng 86 delegado na binubuo ng mga guro.

nina Kimbee Yabut at Joana Cruz

About Joana Cruz Kimbee Yabut

Check Also

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

ArenaPlus PBA TNT 1

ArenaPlus Celebrates with the PBA Season 49 Commissioner’s Cup Champions

Photo courtesy of PBA: Katropas poses together with their fans during their victory party ArenaPlus, …

ArenaPlus Thompson Abarientos Brownlee 6

ArenaPlus announces Thompson, Abarientos, and Brownlee as brand endorsers

MANILA, PHILIPPINES – ArenaPlus, the 24/7 sports entertainment gateway in the Philippines, proudly welcomed its …

BingoPlus Asia Gaming Awards 2025 Feat

BingoPlus Grabs Best Reliability in Online Gaming at the Asia Gaming Awards 2025

Mr. Jasper Vicencio delivers his speech during the ASEAN Gaming Summit BingoPlus, the country’s most …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *