Congrats!
THE former VACC chairman MARTIN DIÑO, ang bagong chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), nangangasiwa sa Subic Bay Freeport zone na daungan ng mga ilegal na droga, basura ng Canada at iba pang mga hayup at mga demonyong salot sa lipunan.
Tama ang Pangulong DU30 na siya ang napiling ipalit sa dating sobrang inutil na SBMA Chairman Robert Garcia. Ngayong si Martin Dino na ang bagong namamahala sa SBMA, patay ang lahat ng mga ilegal na transaksiyon sa loob ng Subic Bay Freeport. Mabuhay ka pamangkin and most of all to our beloved crimebuster Philippine Mayor Rody Roa Duterte, may your tribes multiply. Godspeed.
*****
BALIK po tayo sa SBMA Subic Bay Freeport. Para po sa kaalaman ng lahat, may dugong Afuang na nananalaytay kay Martin Dino. Pamangkin po ng inyong lingkod ang crime fighter, ang dating chairman ng VACC Martin Diño na dating pinamumunuan ni Capt. Dante Jimenez.
Remember po bayan ang barko na dumaong sa SBMA noong October 2008? Natimbog ng superhero ‘kuno’ ex-PASG Bebot Villar at the same time kundi namamali ang KS si Honorable ‘kuno’ Bebot Villar din ang chairman ng Dangerous Drugs Board. Lord patawad! Putang inang ‘yan.
Mahigit 10 Chinese drug traffickers ang nasakote na nakasakay sa barko, lulan din sa loob nitong barko ang 710 kilos methamphetamine hydrochloride o shabu. Headline po ito bayan noon sa mga pahayagan ng print at broadcast media.
Super-Sikat sina ex-PASG Bebot Villar at ang pulis badigard na si Lt. Patawaran. Pinuri ni Afuang ang mga hindot sa kanyang kolum.
NOW in the year 2016, our new President Du30’s war vs drugs, druglord et al, ito ang mga katanungan na dapat sagutin ni retired Bebot Villar sa taongbayan, sapagkat public servant o gov’t official pa siya noon bilang hepe PASG.
Nasaan na ang 710 kilos na shabu na umano’y nakompiska sa barko na dumaong sa SBMA noong October 2008? Saan nakakulong ang mahigit 10 Chinese drug traffickers na nahuli sa loob ng barko? Sino-sino ang NBI agents na kasama ninyo sa operation na ito? Nagtatanong lang po ang kontra salot ng lipunan na si Afuang.
Paging SBMA Chair Martin Diño? Nariyan pa ba ang barko? O nasa junk shop na? Just asking. (To be continued).
HAPPY LUCKY 13th ANNIVERSARY TO OUR
PRESTIGIOUS HATAW DIYARYO NG BAYAN
NGAYONG Oktubre 18, 2016, ipagdiriwang po namin ang Ika-13 anibersaryo HATAW Diyaryo ng Bayan na itinatag ng aming iginagalang at minamahal na makatao, makabayan at maka-Diyos na si ALAM national chairman and former National Press Club President Jerry S. Yap. More power and may your tribe multiply. Godspeed.
*****
Kasabay din po nito ang aking taos-pusong pagbati sa aking mag-ina na may kaarawan sa Oktubre 3 at 18, 2016. Ang aking minamahal na mag-ina na sina Angela at ang youngest son ni Afuang na si Abaffelle, now 21 years old. Just graduated with the degree of IT in Informatics College.
May our God Lord Jesus Christ gives both of you long and healthy long life to live. Papa love’s you all. Godspeed.
KONTRA SALOT – Abner Afuang