Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binoe, LT, Boy Abunda, atbp, nagreak sa kaso ni Mark Anthony Fernandez

KABILANG sina Robin Padilla, Lorna Tolentino, Boy Abunda at iba pang mga prominenteng pangalan sa showbiz world ang nagbigay ng kanilang reaksiyon sa pagkakadakip kay Mark Anthony Fernandez dahil sa  nakuha umanong isang kilong marijuana sa kotse nito last October 3. Ngayon ay nakadetine ang dating miyembro ng grupong Gwapings sa Station 6 ng Angeles City Police.

Ayon sa FB post ni Binoe, “Purihin ang Panginoong Maylikha mahal kong Pamangkin ….. Nakahinga ako ng maluwag at naglulumuhod sa pasasalamat sa nag iisang Dios na makapangyarihan at ikaw ay buhay Mark.Hindi kami mapapatawad ng tatay mo kung may nangyaring masama sa iyo…sir Bato at sa Angeles city PNP tanggapin po ninyo ang malalim na pasasalamat at pagsaludo ng Padilla Family sa propesyonal at makatao na paghuli kay Mark Anthony Fernandez… Alhamdulillah”

Pinsang buo ni Robin ang namayapang ama ni Mark Anthony na dating action star na si Rudy Fernandez.

Sa ulat naman ni Mario Dumaual ng TV Patrol, ipinahayag ni Lorna Tolentino- madrasta ni Mark Anthony, ang pagkakadesmaya dahil posibleng may paglabag daw sa karapatang pantao ng aktor dahil walang abogado si Mark nang hingan ng pahayag. Pati na rin nang iprisinta si Mark Anthony sa isang presscon.

Ito rin ang paniniwala ng talent manager na si Lolit Solis na lumong-lumo sa kinasadlakan ni Mark. Naniniwala si Lolit na ginagamit ni Mark ang marijuana para sa kanyang medical condition na arthritis at anxiety, bunsod ng pagkamatay ng tatay nito mula sa cancer.

Pakiusap naman ni Ms. Marichu Maceda, “Mayroon dapat ibigay na konsiderasyon sa mga artista na ito. Magkamali lang minsan sisirain mo na ang career ng isang tao, kaunting respeto lang.”

Malungkot din ang host na si Boy Abunda. “Malungkot, Mark is very close to me. Inaanak ko si Mark e. Oo, I’d like to find out the story,” saad niya.

Ayon sa latest news sa usaping ito, nakadalaw na si Alma Moreno sa anak na si Mark Anthony, matapos ma-high blood dahil sa insidenteng ito.

Hindi ito ang unang insidente na nasangkot sa droga si Mark Anthony. Noong 2004 ay boluntaryong pumasok ang dating matinee idol sa Bicutan Rehabilitation Center.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …