ANG tinatawag na “masa stations” sa FM airwaves ay nag-uunahan upang magkaroon ng pinakamataas na spot ng radio rating games. At ang isa sa players na hindi nagpapahuli at napaka-agresibo ng tinatakbo lalo na’t nakuha na nito ang atensiyon ng “masa listeners” ay ang hindi na mapipigilang paglipad sa ere ng 91.5 Win Radio.
Kasama na ang loveable at ang paulit-ulit na boses ng isang cute na bata na sinisigaw ang radio ID na Win Radio na kung ilang beses na sinusundan pa ng popular na slogan, “Pinag’-iisipan Pa Ba Yan?’! How can this FM station go wrong? Ang 91.5 Win Radio, Pinag-iisipan Pa Ba Yan? sa totoo lang, ay nakapagbibigay ng buhay at naglalagay ng ngiti sa bawat labi ng masang Pinoy!
Sa ngayon, marami na ang nagtatanong at nagtataka: Sino ba talaga ang nasa likod ng boses ng batang ýon at sino ang may kagagawan ng mabilis na pagkakakilanlan ng 91.5 Win Radio sa laban ng mga higante sa FM radio industry?
Well, a round of applause please dahil ang mga taong nasa likod ng success ng 91.5 Win Radio (drum roll please) ay ang tinatawag na The Man himself, the CEO, Mr. Atom Henares at ang COO at ang utak (or shall we say, the mastermind), ang radio veteran na si Mr. Manny Luzon. Si Mr. Atom is actually into a lot of things pero ang isa sa talagang nakakabit at kakambal na ng kanyang pangalan ay ang radio station. Si Sir Atom lang naman ang co-founder at ang co-creator ng NU 107 at siya rin ang may-ari ng sikat na masa station, ang 91.5 Win Radio. Aside from radio, marami ang hindi naka-aalam pero si Sir Atom ay in-love sa mga literal na fast cars o mabibilis na mga mamahaling sasakyan.
Si Sir Manny naman ay isa na sa mga pader ng Philippine radio, be it FM or AM. Some years ago, he used to work on the technical side of the AM radio station DZRH until he was noticed by the management and was given a break as the ‘Man behind the microphone’. Years after, tuloy-tuloy na ang kanyang pag-akyat from the other FM stations until he established and launched 91.5 Win Radio. And the rest, as they say, is history.
Ang boses ng bata sa likod ng Win Radio at ang naka-aaliw na slogan na “Pinag-iisipan Pa Ba Ýan” ay idea ni Sir Manny upon the approval of Sir Atom and the executives of the said FM station. Sa panahon ngayon na ang radio stations ay replicas ng isa’t-isa, transmitting a mishmash of hip-hop, pop and anthem tunes, ang Win Radio ay nagpaka-loyal sa music na pang-masa, sa latest information at sa entertainment na talaga namang nakakabaliw.
The other men behind the microphone of 91.5 Win Radio include Kuya Jay Machete (Secret Experience), Macho Bibbo (Bibo sa Umaga), Rhiko Mambo (Tandem sa Umaga), Tess Mosa (Heart Stories), Justin Kiss (Justintertainment) at Ligaya (Gabi ng Ligaya).
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio