Saturday , December 21 2024

22-anyos Pinoy tiklo sa P20-M 5 kilos cocaine (Pagdating sa NAIA)

100416-cocaine-naia
NABIGONG makapasok sa bansa ang halos limang kilong (4.8 kgs) cocaine mula sa Brazil na dala ng isang 22-anyos estudyante, kinilalang si Jonjon Villamin, lulan ng Emirates Air flight EK332 (mula Brazil via Dubai) na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2, nitong Linggo ng gabi. Si Villamin ay mahigpit na inabangan ng grupo nina BOC-EG Depcomm Arnel Alcaraz at NAIA ESS chief, Capt. Reggie Tuason matapos matanggap nina PDEA Regional Director Wilkings Villanueva at NAIA District Collector Ed Macabeo ang A-1 information mula sa United States Drug Enforcement Agency (DEA) na isang pasaherong Filipino mula sa Brazil ang may dalang “high value drugs.” (Retrato mula sa Facebook account ni Raul Esperas, teksto ni JSY)

ARESTADO ang isang 22-anyos Filipino sa Ninoy Aquino International Airport makaraan makompiskahan ng halos limang kilo ng cocaine na tinatayang nasa P20 milyon ang halaga nitong Linggo ng hapon.

Ayon kay Wilkins Villanueva, regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency, si Jonjon Villamin ay naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dakong 4:40 pm.

Dumating ang suspek sa NAIA, lulan ng Emirates Airline flight EK 332 mula sa Brazil via Dubai.

Ayon kay Villaminm nakilala at naging kaibigan niya ang  isang Brazilian national makaraang bumili ng SIM card sa kanya noong siya ay nagtatrabaho sa isang communication company.

Aniya, isang araw, inalok siyang sumama sa Brazil nang walang ano mang aalalahanin sa lahat nang gastusin kabilang ang hotel accommodation at pocket money.

Habang nasa Brazil, hiniling ng Brazilian na dalhin ang dalawang bagahe sa Maynila na hindi man lang niya tinanong kung ano ang mga laman.

Sa Maynila, nakatanggap sina PDEA Regional Director Wilkings Villanueva at NAIA District Collector Ed Macabeo ng A-1 information mula sa United States Drug Enforcement Agency (DEA) na isang pasaherong Filipino na manggagaling sa Brazil ang may dalang “high value drugs.”

Pagdating ni Villamin sa arrival ng NAIA terminal 3, sinabihan nina AIDTF head Sherwin Andrada at NAIA Customs police chief Reggie Tuason si Villamin na pumasok sa tanggapan ng Customs para sa inspeksiyon ng kanyang mga bagahe.

Natagpuan ang cocaine, na tinatayang may street value na mahigit sa P20 milyon, nakatago sa false bottom at sidings ng dalawang suitcases.

Muling umapela ang Customs at PDEA sa Filipino travelers na huwag tumanggap ng suitcases mula sa mga taong hindi lubusang kilala upang hindi mapariwara o humantong sa pagkakakulong.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

( GLORIA GALUNO )

About Gloria Galuno

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *