IPINAHAYAG ni Ma. Isabel Lopez na naniniwala siyang magiging star si Nathalie Hart. Ang tisay na si Nathalie ang lead actress ng pelikulang Siphayo ng BG Productions. Sinabi rin ni Isabel na suwerte si Nathalie na napunta sa kanya ang naturang pelikulang pinamahalaan ni Direk Joel Lamangan.
“Ano siya, piniga talaga rito ni Direk Joel. Pero mabigat talaga ang role ni Nathalie rito. Sabi ko nga, lucky siya dahil hinawakan agad siya ng isang Joel Lamangan. Mahirap nga lang ang pinagdaanan niya, it’s a beautiful film, very physical, pero it’s gonna pay off. It’s going to make her, this film is going make her,” saad ni Isabel.
So, kaya niyang maging star talaga?
“Oo, kasi maganda na siya eh. Alam mo in this competitive world, she’s already beautiful. Pero kung nakikita mong magaling, then para bang you can see na she’s more mature this time at talagang kaya niyang makipagsabayan.”
Iyong mga eksena niya ritong daring siya at napa-iyak and lumapit sa inyo, ano ang naramdaman ninyo? “Siyempre ano… kasi iba naman ako when I enter the industry, kumbaga ay naging sexy model naman ako, na ang tawag sa akin ay sexy actress…
“But when you are coming from goody-goody wholesome image, medyo mahihirapan siya.
“Naiintindihan ko naman iyong sitwasyon niya, I knew the feelings. So, I encouraged her and I told her to look at the bright side and to realize how lucky she is. Na iyong kanyang material, hindi iyon yung gagawa ng pelikula for the sake na to titillate the audience. Iyon ay good director, good script…
“Sabi ko rin na lucky siya, kasi hindi siya ine-exploit. Sabi ko matinong director iyon at hindi lang basta director,” nakangiting wika niya.
Dagdag pa ng aktres, “Alam mo, naawa rin ako sa kanya. Parang stressed na stressed siya. Basang-basa ang buhok niya at sabi niya, ‘Ngayon ko lang ginawa ang ganito.’
“Pero sabi ko sa kanya, ‘Look at the bright side, think positive.’ Sabi ko sa kanya, remember ang daming aktres diyan na willing to get your part. Kaya sabi ko, ‘You gotta do it.’ And nakakatuwa naman dahil nakikinig naman siya.”
Ayon sa line producer nitong si Dennis Evangelista, ang target ng Siphayo ay filmfest sa abroad, ano po ang reaksiyon nyo rito? “Siyempre alam naman natin na ang indie films talaga natin ay namamayagpag sa abroad. Lalo na isang Joel Lamangan film ito. So, I’m confident na this film will go places and si Nathalie Hart will go places after this film,” nakangiting saad pa niya.
Ang Siphayo ay palabas na sa October 5 at tampok din dito sina Luis Alandy, Joem Bascon, Allan Paule, Elora Espano, at iba pa.
Ano po ang next movie ninyo? May tulad ba ng Ma’ Rosa ni Jaclyn Jose na gagawin kayo?
“Antay lang ako,” nakangiting saad niya. “Katatapos ko lang itong Siphayo and I just finished Swipe na istorya naman ito ng mga on line dating.
“Tapos papasok yung character ko dun sa Ang Probinsyano at mayroon din akong isang markadong role ulit sa Doble Kara.”
Samantala, bukod sa pagiging dating beauty queen at award-winning actress, si Isabel ay isa ring painter. Graduate siya ng Fine Arts sa University of the Philippines, Diliman. Naging fashion designer din siya sa ilang mga sikat na department stores sa bansa.
Ang angking talino ni Isabel sa sining ay muli niyang ipamamalas sa kanyang one woman art show na magtatampok sa mosaic art. Pinamagatang Body & Soul, gaganapin ito sa SM Megamall Passion Art Gallery, 4th floor, simula sa Oktubre 19 hanggang Nobyembre 2, 2016.
“Gusto ko lang i-announce ang aking one woman painting exhibit. It’s a showcase ng mga mosaic art na gawa natin,” pakli pa niya.
Si Isabel ay naging bahagi na ng maraming art exhibits, kabilang na rito ang Art and Beauty Parts 1, 2 & 3 noong 2010, 2011, at 2013.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio