Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden Richards, nakatatanggap ng death threats!

SINABI ng Kapuso star na si Alden Richards na nakatatanggap siya ng death threats, pati na ang kanyang pamilya.

“Since the beginning naman po, before that issue, I already have my own life-threatening situations. I asked the help of GMA Artist Center and from the NBI to do something about it. We’ve been taking actions naman po with regards to that,” saad ni Alden sa panayam ng PEP.ph.

Idinagdag pa ng Pambansang Bae na maaring ito ay mula sa mga taong wala lang magawa.

“Kasi ang akin lang naman po, if you’re threatening someone, there’s a 90 percent probability na hindi mo siya gagawin because you are threatening. Iyong mga nagti-threat, hindi nagsasabi iyan, ginagawa na lang nila.

“There are a lot of people like that, especially in social media. Napakadaling gumawa ng statements and threats like that. Pero so far naman po, we’ve been very careful with that and, kumbaga, we just take extra caution kapag nasa labas. Kumbaga, yung mga threats like that are being done by people na siguro walang magawa.”

Matatandaan na noong September 25 ay nag-post sa kanyang Facebook account si Richard Faulkerson Sr. na mas kilala sa tawag na Daddy Bae na ipinauubaya na lamang daw niya sa National Bureau of Investigation ang mga nagbabanta sa kanilang buhay.

“Bash n’yo na ko kakayanin ko pa po yan… wag lang threat sa buhay namin…nbi na po ang bahala diyan,” saad ng ama ni Alden.

Ayon pa kay Alden, ipinagdarasal na lamang nila ang mga taong nagbabanta sa kanya at sa kanyang pamilya.

Samantala, ipinahayag ni Alden ang pasasalamat sa mga tao sa likod ng TV series na Encantadia dahil napagbigyan ang kanyang matagal na pangarap na mapabilang sa casts nito.

Nagsimulang mapanood si Alden sa Encantadia last week at sinabi niyang patuloy siyang mapapanood sa naturang serye ng GMA-7 sa mga susunod pang mga linggo.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …