When it rains it pours… Martin Diño
Jerry Yap
September 28, 2016
Opinion
GANYAN mailalarawan ang magandang kapalaran na tinatamasa ngayon ng pamilya Diño at Seguerra.
Nitong nakaraang linggo ay opisyal na itinalaga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si dating barangay chairman Martin Diño bilang Chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Wowowee!!!
Matagal rin nating inabangan na maiupo si Chairman Diño sa Duterte administration.
Sa totoo lang, nauna pa ngang naitalaga sa kanya ang anak na si Liza Diño Seguerra bilang chairperson ng Film Academy Development Council of the Philippines, habang ang kanyang manugang na si Cariza “Aiza” Seguerra ay itinalagang chairperson ng National Youth Commission.
Pero dahil si Pangulong Duterte ay hindi ipokrito at marunong tumanaw ng utang na loob — binigyan niya nang masasabi nating juicy position si Chairman Diño.
Huwag po natin kalimutan na si Chairman Diño ang pumapel na “Juan Bautista” para maireserba ang kandidaturang presidente sa ilalim ng PDP Laban.
Hindi nga ba’t siya ay nag-file ng COC for President at nag-withdraw to give way to our President Digong.
Nagkaroon pa nga ng konting wow-mali dahil ang nailagay ni Chairman Martin ay for Mayor at hindi for President.
Kumbaga, si Diño ang humawi ng daan para maging opisyal na pre-sidential bet ng PDP Laban si Duterte.
And the rest is history…
Sa ganang atin, magandang posisyon ito para kay Chairman Diño dahil mahahasa siya sa pakikipagharap sa foreign investors.
Mga foreign investor na pawang English speaking at may iba-ibang accent — mga Expat, CEO, COO at iba pang big shot sa business world.
Palagay natin kung sa umpisa ay mag-nosebleed si Diño, later on ay masasanay rin siya.
Puwede naman siyang mag-enrol sa John Robert Powers para ma-improve pa nang husto ang kanyang image at speaking prowess nang sa gayon ay maging epektibo siyang hepe ng SBMA.
Kumbaga maliit na bagay lang ‘yan na puwedeng i-improve.
Unsolicited advice lang natin kay Chairman Diño, mag-concentrate na siya riyan sa Subic bilang Chairman. Kumbaga, kumarera na siya nang husto lalo’t nasa kanya ang suporta ng presidente.
Iisa lang naman ang layunin ng Pangulo — para sa bayan…
‘Yun lang ang dapat sundan ni Chairman Diño.
Good luck Mr. Chairman on your new endeavour!
BAKIT MAS MURA ANG GASOLINA
SA MINDANAO AT IBA PANG PROBINSIYA
KAYSA METRO MANILA!?
Marami tayong impormasyon na natatanggap na iba-iba ang presyo ng produktong petrolyo (gasolina, diesel) sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Mas mura ang presyo sa Mindanao kompara sa Metro Manila at ganoon din sa ibang lalawigan sa Luzon.
‘E bakit nga ba ganoon!?
Ano ang ginagawa ng Energy Regulatory Commission (ERC)? O ng Department of Trade and Industry (DTI)?
Kung kaya naman palang babaan ang presyo ng langis/gasolina sa Mindanao at sa iba pang lalawigan, bakit hindi kaya sa Metro Manila!?
Ginagawa na lang tayong tsubibo ng mga oil companies, magbaba ng ilang sentimo pero ilang linggo lang triple naman ang itataas ulit ng gasolina/krudo!
Sana ay busisiin ito ng mga economic managers ng Duterte administration.
Huwag na silang makisawsaw sa kampanya ng Pangulo laban sa ilegal na droga.
Gampanan nila ang trabaho nila bilang economic managers huwag silang maging spectator sa kampanya ng Pangulo.
Ay sus!
Busisiin ang presyo ng langis!
DE LIMA’s LOYALISTS
NAMAMAYAGPAG PA
SA IMMIGRATION
Well informed kaya si SOJ Vitaliano Aguirre na until now ay very prominent pa ang ilang personalidad at close allies ni former SOJ Leila De Lima sa Bureau of Immigration?!
In fact, hindi lang sila mga ordinary BI organic employees kundi nag-o-occupy pa rin ng sensitive positions sa kagawaran!
Alam nang lahat kung gaano ka-allergic at kasuklam si Presidente Rodrigo Duterte kay Madam Leila kaya I’m sure hindi magugustuhan ni Secretary Aguirre na ang mga De Lima loyalist ay nakapuwesto pa sa BI.
Baka ikapahamak pa ng kasalukuyang administrasyon ang pagkakaupo hanggang sa ngayon ng mga sepsep-alipores ng senadora?!
Nakapagtataka nga kung bakit hanggang ngayon ay ina-accommodate pa sila ng present administration sa bureau.
Bakit nga ba BI Comm. Jaime Morente?
Considering their present positions, hindi malayo na puwedeng maikanal si BI-Commissioner Jaime Morente sa pagkupkop sa kanila!
Imagine, a former COS of Pabebe boy Mison until now is still calling the shots at BI-OCOM?
Wattafak!?
Ang isa naman ay naging OIC pa sa Executive Division?! Meron pang mga ginawang Alien Control Officers sa ‘income generating’ subports and field offices at isang spokesperson ala-Cherry Mercado ang peg?!
Homaygad!!!
Alam kaya ni Comm Morente na pag ang grupong ‘yan ay nag-joint forces sa paggawa ng bulilyaso ay puwedeng mag-ala Ricardo David Dayunyor ang kapalaran niya?!
Juice colored! Huwag naman po sana!!
Kaya habang maaga pa ay dapat nang malaman ni Secretary Aguirre ang kasalukuyang set-up o nangyayari sa kanyang bakuran!
At kung medyo makapal-kapal ang mukha ‘este kaha ng mga sangkot at patuloy lang sa pag-dedma, kami na mismo ang magbibigay ng mga pangalan kay SOJ Aguirre ng former allies at BFF forever nina Mison at former SOJ De Lima diyan sa Bureau of Immigration!
Secretary Aguirre, Sir, anytime ready po ang listahan namin para sa inyo!
BAKIT MATAAS PA RIN
ANG GASOLINA!?
DAPAT imbestigahan ang mga oil company. Bagsak na presyo sa world market. Dapat average of 30 pesos per liter. Isumbong kay Pres. Duterte ito.
+639195588 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN – Jerry Yap