Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janice, naiyak sa pagbibida ng anak na si Inah

 

OVERWHELMED si Janice de Belen kaya mangiyak-ngiyak ito habang kausap namin sa isang event dahil ang panganay sa apat niyang anak (3 girls, 1 boy) na si Inah ay gaganap nang bida sa bagong daytime series saGMA7.

Ang 17 years old na dalaga ay anak ni Janice sa ex-husband na si John Estrada. Confident naman si Janice na kayang-kaya ni Inah na gumanap bilang ‘ina’ sa limang bata dahil bilang panganay niya, nakatutulong ito sa pag-aalaga ng kanyang mga kapatid. Sila ng Lola niya, ang nanay ni Janice, ang nagturo sa dalawa.

Kaya nga happy siya sa nangyayari, biglang-bigla, akala nila pinag-iisipan pa lang ng mga top executive na sina Redgie Magno, Lilibeth Reasonable, Ms. Ching Sy, ng mga writer, at ni Direk Neal Del Rosarioang proyekto. Siyempre, si Roy Iglesias na Creative Director ng mga drama show ng network at karamihan ang nakaisip para kay Inah na bigyan ng role ng isang ina o ate para sa limang street children.

Sa story, si Inah ay batang kalye rin na hinahanap ang magulang.

Nagkausap naman daw sila ni John at okay naman at masaya ito, hindi nga makapaniwala na bida at artista na ang anak.

Nagpaliwanag din si Inah sa ama na kaya de Belen ang ginamit niyang apelyido, instead ng Estrada ay dahil marami na ang Estrada sa showbiz. Oo nga naman! Hindi lamang dugong artista ang dumadaloy sa ugat ni Inah, kaya no wonder na magaling umarte, siyempre ‘yung ganda ng mukha, wala kang maipipintas. Maganda siya. Aminado naman si Janice na mas malakas ang appeal nito kaysa kanya noong 17 years old din siya at hang nagsisimula siya ng kanyang movie career.

Pupurihin mo rin ang limang bata na sina Sofia Pablo, Bryce Eusebio, David Remo, at Jhiz Diocoreza na talagang nag-workshop para sa nasabing serye.

NO PROBLEM DAW – Letty Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …