Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging no. 1 loveteam ng KathNiel, naibalik dahil sa Barcelona

MUKHANG nakatulog lang naman sandali ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo habang wala sila sa showbusiness at naging abala sa pagkakampanya noong nakaraang eleksiyon. Iyon ang dahilan kung bakit nasasabi noon na nalampasan na ng AlDub at maging ng JaDine ang kanilang popularidad. In fact naging accepted fact iyan na number one ang AlDub at number two naman ang JaDine. Hindi man sinasabi, number three na lang ang KathNiel.

Pero may nangyari sa first day ng pelikula nilang Barcelona. Kumita  umano iyon ng P23-M. Tinalo niyon ang umano ay record naman ng pelikula ng AlDub na kumita ng P21.5-M sa first day. Pero ang pinag-uusapan diyan ay first day gross lamang. Hindi pa natin alam kung hanggang kailan ipalalabas iyang Barcelona, kung ilang sinehan at kung magkano ang kikitain sa mga susunod na araw.

Pero ang nakita namin, habang umiinom kami ng kape sa isang coffee shop ay ang nagtitiliang fans pa nina Daniel at Kathryn na hanggang sa paglabas ng sinehan ay kinikilig pa sa kissing scene ng dalawa. Mukhang tatagal pa iyang kilig na iyan.

Sa pagdaan ng mga araw, mapatutunayan din natin kung talaga ngang mapangangatawanan ng KathNiel ang kanilang supremacy.

Hindi pa namin napapanood ang pelikula. Honestly, hindi kami makikipagsiksikan sa sinehan. Pero may isang kaibigan naming ang nagsabi na maganda ang pelikula. Nag-enjoy naman daw siya sa kanyang panonood, kahit na hindi niya masyadong maintindihan dahil sa tilian ng fans.

Sinabi niyang hindi naman siguro mananalong best actor si Daniel, pero nagulat siya sa nakita niyang mahusay na pag-arte niyon. Wala siyang comment sa acting ni Kathryn.

Kung maganda nga, kikita ang pelikulang iyan talaga, pero hintayin natin kung ilan nga ang kikitain nila hanggang sa katapusan ng screening ng pelikula. Pero nakatutuwa dahil iyang ganyang mga pelikula ang pag-asa ng industriya ng pelikulang Filipino. Kumikita sila. Hindi iyong nananalo nga ng award, kamote naman ang nakukuha sa takilya.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …