Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Offshore gaming may go signal na sa PAGCOR

TULUYAN nang sinibak ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang electronic gaming (e-Games) sa mga internet café sa ilalim ng network ng Philweb Corporation na pag-aari ni Roberto Ongpin.

Imbes e-Games, mas pabor ang PAGCOR sa offshore gaming na ekslusibong tatanggap ng overseas players.

Katunayan bukas na ang PAGCOR sa pagtanggap ng mga aplikasyon o letter of intent mula sa mga aplikanteng pamilyar o may kasanayan sa operasyon ng offshore gaming na makapapasa para makakuha ng lisensiya.

Ang offshore gaming po, kung hindi kayo pamilyar mga suki, ay ginagawa sa pamamagitan ng internet, gamit ang network at software na ekslusibong ipagagamit sa offshore authorized players.

091916-online-gambling-e-casino

Sa press release ng PAGCOR, ang offshore gaming license ay maa-aringipagkaloob sa Philippine offshore- based operator, na inorganisa sa labas ng bansa at makikipag-ugnayan o gagamit ng serbisyo ng PAGCOR-accredited service or support provider para sa online gaming activity.

Tatawagin silang Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Sa pagpoproseso ng aplikasyon ng mga gustong maging POGO, tinatayang daan-daang libo ang kikitain ng PAGCOR.

Sa e-Casinos kailangan nilang magbayad ng US$50,000 at US$40,000 para sa online sports betting operations.

Kapag naaprub ang kanilang aplikasyon, magbabayad ang aplikante ng US$200,000 sa e-Casinos at US$150,000 para sa sports betting.

Ang target na players dito ay mga dayuhang nasa ibang bansa.

Ang mga dayuhan na naririto sa bansa at mga Filipino na nasa labas ng bansa ay hindi papayagang makapaglaro sa eskemang ito.

Hindi rin puwede rito ang mga indibidwal na 21-anyos pababa.

Para maipatupad ito, mahigpit na magmo-monitor umano ang Task Force Pogo na bubuuin ng mga susing tao mula sa PAGCOR, National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI).

Layunin umano nito ay upang protektahan ang kapakinabangan ng mga Filipino kasabay nito ay upang maabot ang revenue target ng ahensiya.

Sa papel at sa paliwanag, ang offshore e-Games at e-Casinos ay malaking tulong sa pagtataguyod ng mga institusyon na sinusuportahan ng PAGCOR para sa kapakanan ng mga kababa-yan nating kapos-palad.

Kung matutuwa ang lahat ng mga kababayan nating dukha kapag naging iba ang trato sa kanila ng mga tanggapan at institusyon na itinataguyod ng PAGCOR, maniniwala tayo na ang POGOs ay tunay na makatutulong sa bansa.

Sana nga po ay ganyan ang mangyari at hindi samantalahin ng ilang grupo o ‘sindikato’ na ka-yang-kayang kontrolin ang ganyang klase ng eskema sa e-Games at e-Casino.

Ingat lang po, Madam Chair Andrea “Didi” Domingo.

NOW SHOWING: SENATE & HOUSE PROBE
STARRING LAYLAY ‘este SEN. LEILA DE LIMA

030516 de lima

NAKS naman ha!

Bidang-bida si Senator Leila De Lima ngayon.

Habang nagsasagawa siya ng hearing sa Senado, iimbestigahan naman ng Kamara ang sinasabing Bilibid drugs.

Mayroong mga ipatatawag na sinasabing drug lord na nakakulong sa Bilibid gaya nina Herbert Colangco at Noel Martinez.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng  House committee on Justice, hindi si Sen. Leila De Lima ang target sa isasagawang imbestigasyon hinggil sa paglaganap ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

Tiniyak ni Umali, dating miyemrbo ng Liberal Party, magiging patas sila sa imbestigasyon.

Sabi pa niya, hindi niya maaaring hindi tuparin ang kanyang tungkulin bilang chair ng komite kahit pa sister niya sa sorority ang neophyte senator.

Talaga naman!

Mukhang meet na meet ni Madam Leila ang kanyang objective sa committee hearing sa Senado na kanyang pinamumunuan…

Grandstanding na grandstanding ka Madam Senator!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *