NANALO na namang best actor sa isang minor international film festival si Allen Dizon. Nanalo rin ang isang pelikula ni Lav Diaz na best picture sa Venice Film Festival. Hindi lang iyan. Kapapanalo lamang ni Jacklyn Jose bilang best actress sa Cannes. Maraming international awards ang napapanalunan ng mga pelikulang Filipino sa abroad. Pero isa man sa mga pelikulang nanalo ng awards ay hindi kumita sa takilya rito sa Pilipinas. Isa man sa mga pelikulang iyan na nanalo ng awards ay hindi pa rin naman nakapasok sa isang commercial theatre circuit saan man sa abroad
Lumalabas na ang mga pelikula natin, panlaban lang ng award pero walang commercial value.
Sino ang mamumuhunan sa isang industriya na nananalo nga ng awards pero hindi naman kumikita? Sino ba ang may gustong malugi sa kanilang negosyo? Sa nakikita natin, kung puro ganyan na lang sila, hindi na nga mabubuhay ang industriya ng pelikulang Filipino.
HATAWAN – Ed de Leon