Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sancho delas Alas, biggest break ang pelikulang Area

AMINADO si Sancho delas Alas na biggest break niya ang pelikulang Area ng BG Productions ni Ms. Baby Go. Mula sa pamamahala ng award-winning director na si Louie Ignacio, ito ay ukol sa isang lugar sa Angeles City na tinatawag na Area na may mga prostitute sa murang halaga.

Bukod kay Sancho, tampok dito sina Allen Dizon, Ai Ai delas Alas, Sue Prado, Rajah Montero, at iba pa. Gumaganap dito sina Allen at Ai-Ai bilang maintainer at bugaw ng mga kasa sa naturang lugar.

Second movie na ito ni Sancho, una siyang napanood sa nakaraang MMFF sa My Bebe Love na tinampukan nina Vic Sotto, Ai Ai, Alden Richards at Maine Mendoza.

“Eto ang unang very serious role at pinaka-challenging na film na nagawa ko. Kaya naniniwala rin po ako na magmamarka sa akin itong movie na Area. Super, grabe iyong story niya at talagang malaking project ito para sa akin. Isa itong solid na project para sa akin,” nakangiting wika ni Sancho.

Dagdag pa niya, “Teaser pa lang, iba e. Ang ganda, as in maluluha ka na agad kapag nakita mo. Na grabe na agad yung pakiramdam kahit trailer pa lang. Kumbaga, hindi pa given talaga yung story niya pero mabigat na agad ang dating.

“Grabe na agad ang pakiramdam, trailer pa lang. Kaya what more kapag napanood mo iyong buong movie,” proud na esplika ni Sancho na isang bugaw at alalay ni Allen ang papel dito.

Ipinahayag din ng aktor ang pagsaludo sa inang si Ai Ai sa naturang pelikula. ”Malayo siya rito sa pagiging Comedy Queen niya. Very subtle yung acting niya, ang galing… Kumbaga, parang kung ano iyong trabaho niya rito sa story, nabigyan niya talaga ng buhay.”

Umaasa rin si Sancho na mapapansin dito ang acting ni Ai Ai at ito ang magiging unang international acting award ng kanyang ina. Pasok ang naturang pelikula sa Eurasia International Film Festival sa Kazakhstan sa September 24 to 30.

“Hopefully po, ipinagdadasal namin na sana ay ito na nga ang first international award ni Mama. Na sana ay makuha ni Mama iyong award, very hopeful and very excited kami roon.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …