Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mababaw na pagtingin sa kalalagayan

MALINAW sa reaksiyon ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan at mga komentarista sa radyo sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa ating relasyon sa Amerika, na wala silang nalalaman, kundi man sadya nilang hindi pinapansin, ang pagiging neo-kolonyal na bansa ng ating bayan.

Masyadong sopistikado ang ugnayang neo-kolonyalismo na hindi na nakikita ng mga biktimang bayan ang pagsasamantala na ginagawa sa kanila ng kanilang dating panginoong kolonyalista. Bagkus ay tinanggap nila ang pagsasamantalang ito bilang biyaya at isang natural na kalalagayan sa mundo.

Ito ang dahilan kaya ang nakikita lamang ng mga pinuno at komentaristang mababaw ay biyaya umano na hatid nang patuloy na pananatili sa ating bayan ng puwersa at impluwensiyang Amerikano. Sa lilim ng sari-saring palusot, na kung tawagin ay tratado, ay nakuha ng dati nating panginoong kolonyalista na palabasin na tayo ay nakikinabang sa kanilang patuloy na pananatili sa bansa.

Bukod pa rito ay hindi natin napapansin na ang mga tratadong ito ay nakuha sa pamamagitan ng tinatawag na “subtle pressures” o hindi halatang pamimilit.

Ito ang dahilan kung bakit nndito sa bayan ang walang silbi at mapanganib na Bataan Nuclear Power Plant, kung bakit lubog tayo sa utang sa International Monetary Fund/World Bank, kung bakit komersyalisado ang sistemang edukasyon sa ating bayan na nagbubunga ng mataas na tuition, kung bakit hanggang ngayon ay paurong ang kalalagayan ng ating hukbong sandatahan, kung bakit mahal ang mga medisina at iba pang kahalintulad na kapariwaraan.

Habang pinakikinggan ko ang sinasabi ng mga mababaw na opisyal at komentarista tungkol sa puna ni Pangulong Duterte sa mga ginawa ng mga Amerikano sa ating bansa, lalo na noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, parang ang naririnig ko ay hindi mga tapat na Filipino kundi mga mersinaryong kababayan natin.

Nakamumuhi ang kababawan nila.

* * *

Lumalaki ang bilang ng mga menor de edad na nasasangkot sa krimen ayon sa Department of Social Welfare and Development. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com

Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – Nelson Flores

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …