MALAKAS ang dating ng bandang Altitude.7 na binubuo nina Kevin Saribong (vocalist), Mark Manela, (keyboard) Alex Sanao, (lead guitar), Ranyle Ramos (bass guitar), at Richmond Ramos (drums). Alternative rock ang kanilang genre at tumutugtog sila regularly sa Tiendesita’s kada Monday at Off The Grill tuwing Thursday naman. Isa sila sa naging 10 finalists sa AlDub Songwriting contest ng Eat Bulaga.
Ang Altitude.7 ay under contract sa Warner Music at labas na ang kanilang debut album na ang carrier single ay Di Mo Lang Alam. Ang iba pang cuts sa kanilang album ay ang Napakagulo, Shooting star, Halika, at Hinding Hindi Ako Susuko. Nang nakapanayam namin sa Historia Bar at narinig ang laman ng kanilang album, naniniwala kami na malaki ang tsansang pumatok ng grupo.
Si Ranyle ang pinaka-bagets sa kanila at pinakalapitin ng babes. Madalas daw na makurot ng mga kababaihan ang guwapings na bass guitarist sa kanilang mga gig. Bago pa lang ang grupo pero malakas ang dating nila at may kakaibang charisma.
Solid ang Altitude.7 at ayon kay Ranyle, kahit daw may mag-offer sa kanyang mag-artista ay hindi niya ito tatanggapin. “Hindi ko ipagpapalit ang banda namin, solid po kami at walang iwanan talaga.”
Sina Kevin at Richmond ang nagbuo ng banda. Ikinuwento ni Kevin kung paano nila nakuha ang pangalan ng kanilang grupo. “Ang nagbigay ng idea na Altitude na name ay si Kuya Ritchie Ramos (manager ng grupo together ng Kumander niyang si Mirla) at nagustuhan namin ‘yung pangalan. Kaso noong sumali kami sa AlDub writing contest at napasali sa Top 10 ang kanta namin, may nag-bash sa amin na band na ang pangalan Altitude’s, may ‘s iyong sa kanila. Kaya nag-decide kami na palitan ‘yung name, kaso sabi namin ‘wag na lang, lag-yan na lang namin ng 7. Parang ‘yung 7, number ni God, kaya nabuo po yung Altitude.7.”
Paano niya ide-describe ang kanilang single?
Sagot ni Kevin, “Iyong Di Mo Lang Alam” po is about sa mga taong takot sabihin iyong kanilang feelings sa kanilang gusto, meaning po, torpe.
“Minsan dumarating po talaga iyong time na may tao na madaling naliligawan, pero ‘pag nakatapat ka ng babaeng seryoso ka talaga at hindi madaling pasagutin, nakakatorpe rin. Tapos nawawala na lang bigla iyong type mong tao, dahil hindi mo nasabi ‘yung nararamdaman mo, dahil natorpe ka.”
Ayon naman kina Mark, Alex at Richmond, ang hinahangaan nilang banda ay E-heads, Parokya ni Edgar, at Rivermaya sa local. Sa international naman daw, ang Toto, Maroon 5, at si Bryan Adams.
Bukod sa kanilang regular set, ang Altitude. 7 ay nasa kanilang promo tour ngayon sa mga campus, bar, at mall na kadalasan ay tinitilian sila ng mga kababaihan at ng iba pa na nai-in-love sa kanilang brand of music.
Puwedeng idownload ang kanta nila sa Spotify, Apple Music, iTunes at Dezzer. For bookings and inquiries ng Altitude.7 pls. call or text-09276394614 or 09266936615.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio