Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

MIAA GM Ed Monreal proseso, promotion pinamamadali (Trabaho hindi tsismis)

“THOSE who take me for granted will work with me eight (8) hours a day.”

‘Yan ang nakatawang sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa kanyang unang flag raising ceremony.

Full cooperation ang unang hinihingi ni GM Monreal sa lahat ng empleyado at opisyal.

At dahil nasa full alert status ngayon ang bansa mahigpit ang kanyang pakiusap na maging vigilant at observant ang bawat isa.

Kung magiging vigilant and observant nga naman, walang rason para mag-panic ang mga empleyado, kasi nga sila mismo alam nila ang situwasyon.

At ang pinaka-epektibong paraan para ma-detect na mayroong kakaibang nagaganap ‘e panatilihing normal ang nangyayari sa kapaligiran.

Kapag umiiral ang normalidad sa isang tanggapan o kapaligiran mas madaling makikita ang mga iregular na pagkilos ng mga taong may masasamang intensiyon.

091016-ed-monreal-miaa

Ayon kay GM Monreal, inatasan niya ang kanyang   Assistant General Manager for Security and Emergency Service (AGMSES) na si Col. Capuyan na isailalim sa ebaluwasyon ang mga airport police para i-promote ang mga dapat nang i-promote, lalo’t suportado ng mga legal na dokumento.

Isang paraan umano ito para labanan ang korupsiyon sa kanilang hanay.

At siyempre, pagpapataas din ito ng morale sa Airport policemen.

Umapela rin si GM Monreal sa Management Informastion System (MIS) na pabilisin ang proseso ng pagbabayad sa overtime ng mga empleyado.

Kasi nga, ang dami-daming proseso bago mabayaran ang empleyado.

Nakita kasi ni GM ang preparasyon na ginagawa ng kanyang sekretarya. Nang tanungin niya, ganito ang sagot: “Sir ‘yung isa para sa mga dates ng OT and the other in support for the finger scanning at bukod pa doon may logbook pa.”

Ang gastos na nga naman sa oras, ang gastos pa sa papel.

Supposedly ‘e, paperless office na nga dahil hi-tech na, ‘di ba? E bakit nga naman ang dami-dami pang papel?!

Nag-render na nga ng extra-service ang mga empleyado, katakot-takot na pagpapahirap pa sa paniningil?

Tama po kayo riyan GM Monreal, i-compensate nang tama sa mabilis na paraan ang mga empleyadong masisipag.

Hindi gaya dati na laging late ang suweldo, incentives and bonuses ng NAIA employees.

Hinggil sa air traffic congestion, nasa planning stage na si DOTr Secretary Arthur Tugade. Katulong ang mga eksperto para solusyonan ang air traffic congestion.

“I cannot do the task alone, hindi ko po ito kayang mag-isa and I really needs your help in the sense of moving forward. Let us work together, walang inggitan, walang samaan ng loob at higit sa lahat, walang tsismis lalo na kung hindi totoo.”

Bilang beteranong Airline official, sinabi ni GM Monreal na marami siyang instructions and solutions sa iba’t ibang airport problems.

‘Yun iba umano ay ginawa, pero mayroon din namang na-taken for granted.

”I might be making decisions, decisions for as long as it is good for the greater good, for the good of the majority.”

Ipinaalala rin ni GM na wala po ang MIAA kung wala ang successful airlines, kung tama at reasonable ang hinihingi ng airlines, nakahanda umano siyang pagbigyan.

“I’m expecting everyone to do their share so that we can achieve a better airport and better authority for the next couple of months, a year or 6 years if I’m still here. Thank you.”

‘Yan ang pagtitiyak ni GM Monreal.

SAAN GALING ANG KORYENTE?

091016-duterte-andanar-abella-panelo

Nalulungkot tayo sa nangyayari sa communications team ng ating Pangulo.

Mantakin ninyo mismong editor-in-chief ng Presidential news desk ang nagongoryente sa Malacañang reporters?!

Nang maging guest si Secretary Martin Andanar sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi niyang siya ay tagapagsalita ng buong gobyerno, habang si Secretary Ernesto “Ernie” Abella ang presidential spokesperson.

Si Secretary Salvador Panelo ang chief presidential legal adviser pero ang hilig magpa-interview at magsalita sa media.

Ano ba talaga ang papel ninyo, Sir!?

Ang problema natin ngayon, sa dami ng mga nagsasalita para sa presidente, desentonado ang kanilang tono.

Iba ang sinasabi ng isa, iba naman doon sa isa?!

‘Yung mismong team na kasama ng Pangulo sa ASEAN ‘e hindi alam ang manner at ang paggamit niya ng salita.

Kaya sila mismo hindi alam kung paano tatakbo ang press release nila.

Sabi nga, ang daming lieutenants sa communications group, pero marami rin echo na umeepal, kaya palpak ang mensahe pagdating sa intended audience.

Unsolicited advice lang, Secretary Andanar, please re-evaluate people and groups under you office.

Mukhang hindi ka tatantanan ng mga kalaban kapag ganyang may kapalpakan sa ilang tauhan ninyo.

MAY LAGAY ANG KOLORUM

KA JERRY, kaya dumarami ang kolorum jeepney kc kung saan ang ruta nila lahat ng nakapuwesto sa madadaanan may WEEKLY dues sa MMDA, LTO, HPG at pulis. Paano mo mahuhuli ang kolorum? Kung ganito ang gagawin ng operator mas mura ang maglagay kaysa dadaan sa legal. Sila pa ang pasaway sa kalsada kc nga may sinasandalan na agency ng gobyerno. Paano kaya tatanggalin ang sistemang lagay sa kalsada. Kung lahat ay kanya-kanya nang corrupt paano na in d future?

+639236752 – – – –

GUSTO ANG GINAGAWA NI PRES. DU30

talAgang galit c Pres. Du30 sa mga taong sangkot s ilegal na droga lalo sa protector ng droga. Mapapansin ntin kung gaano s’ya kaser-yoso s pagsugpo ng droga. Walang cnasanto c Du30 kahit cno ka pa. Maliwanag na kaya galit c Du30 kay De Lima dahl sa pagiging protector. ‘Wag n’yo isipin na galit c Du30 kay De Lima dahil s paninira o pgbabatikos ni De Lima kay Du30. Kung iisipin, marami ang naninira kay Du30 pero hndi un iniintindi ni Du30 kc hndi sila sangkot s droga. Opinyon lang, deny to death talaga c Lola Leila De Lima.

+63935665 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *