Thursday , December 26 2024

Life story of “71” Senator Panfilo Morena Lacson

Si Senator Panfilo Lacson ay ipinanganak noong Hunyo 1, 1948 sa Imus, Cavite. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Bayang Luma at sekondarya sa Imus Institute.

Kumuha muna siya ng AB Philosophy sa Lyceum bago pumasok sa Philippine Military Academy (PMA) noong 1967.

“Ang aking mga magulang ay nakatira pa rin sa Cavite at madalas naming binibisita,” ani Lacson. Mahirap man ay pinagsumikapan ng kanilang mga magulang na mapag-aral ang walong anak. Malimit din itagubilin ng mga magulang ni Lacson sa kanila na ang edukasyon ang tanging yaman, at walang sino man ang makababawi sa kanila.

Sila ay itinaguyod ng kanilang mga magulang mula sa kita sa pamamasada ng jeepney ng ama at pagtitinda ng kanilang ina. Ang determinasyon ng kanilang mga magulang na mabigyan sila ng magandang kinabukasan ang nagbigay inspirasyon kay Lacson na pagsumikapang mapagtagumpayan ang kanyang mga Pangarap.

Dinala ni Ping ang pangalan ng kanyang pamilya na may dignidad at lumaki siyang puno ng prinsipyo. Dala niya ang katangiang ito hanggang sa pagpasok niya sa PMA. Lalo niyang ipinagyabong ang kanyang mga prinsipyo sa Philippine Constabulary mula nang siya ay pumaloob makaraang magtapos sa PMA (CLASS 1971).

Noong kabataan ni Lacson sa Imus, tinalo niya ang isang kilalang tigasin sa kanilang lugar kahit na mas malaki sa kanya. Ginawa niya ito upang matigil ang paghahari at panggugulo ng siga.

Ang kanyang pagnanais na itama ang mali ang naging daan upang tanggalin ang mga kotongerong pulis dahil nakita niyang mali ang ginagawa nilang pagpapahirap sa maliliit na mamamayan.

“Nang ako ay naging pinuno ng PNP noong 1999, hinangad kong ibalik ang nawawalang paggalang sa mga pulis. Noong bata pa ako, ang pulis sa aming baryo sa Cavite ay iginagalang kagaya ng principal ng isang paaralan.

“Ngunit sa paglipas ng panahon, nawala ang respetong ito. Nasasaksihan natin ang mga tao at motorista na umiiba ng ruta kapag nakakikita ng pulis sa dulo ng kalye, dahil alam nilang kokotongonan sila. Kung makakita ka ng pulis sa isang madilim na eskinita, tutuloy ka pa ba? Normal na reaksiyon na ‘yun, iiwas ka na lang dahil baka makotongan ka pa.”

Bilang hepe ng PNP, ibinalik ni Lacson ang dating imahe at integridad ng pagiging pulis mula sa pagiging malakas at matipunong katawan hanggang sa pagiging determinadong tagapagpatupad ng batas kahit na suhulan pa nang milyon.

Sa 14 na buwan na panunungkulan, nagkaroon ng makabuluhang pagbabago sa pulisya na naging daan upang gumanda ang imahe sa publiko at makakuha ng 69% na pagsang-ayon (approval rating) mula sa mga mamamayan.

Ngunit hindi lahat ng repormang kanyang ipinatupad ay naging popular sa kanyang mga kapwa pulis.

Upang maging mas epektibo ang paglaban sa kriminalidad, ginawa niyang 15% ang dating 65% na pondo para sa matataas na opisyal at ‘desk jockeys’ at ibinahagi ang malaking porsiyento sa mga nagpapatrolyang pulis.

Upang mabawasan ang katiwalian, ipinatupad niya ang pagpapahayag ng budget ng PNP sa internet, kasama na ang hotline na numero at e-mail address upang maisumbong ang mga tiwaling opisyal sa punong himpilan ng PNP.

Ang hakbang na ito ay nagresolba sa pagpataw ng parusang administratibo sa 2,000 opisyal ng pulisya dahil sa paglabag sa pagtitiwala ng mamamayan.

Mula 1971 hanggang 1986 ay ginugol niya ang kanyang panahon bilang opisyal sa pangangalap ng impormasyon sa Metrocom Intelligence and Security Group, na nabuwag matapos mapatalsik ang dating Pangulong Marcos noong 1986 EDSA People Power Revolution.

Pagkatapos nito ay naging kasapi siya ng Philippine Constabulary Integrated National Police Anti-Carnapping Task Force at mula 1988-1989 ay naging Provincial Commander siya ng Isabela. Noong 1989 siya ay itinalaga na commander ng Cebu Metrodiscom hanggang 1992.

Itinalaga siya ng noo’y Bise Presidente Joseph Estrada bilang pinuno ng Presidential Anti Crime Commission-Task Force Habagat na itinuturing na pinakamabigat niyang tungkulin bago siya naging hepe ng PNP.

Itinalaga siyang hepe ng PAOCTF noong 1998. Nahirang siyang hepe ng PNP noong Nobyembre 1999 sa edad na 51 anyos, ang pinakabatang naging pinuno nito.

Mula pagpuntirya sa mga kotongerong pulis noong kanyang kapanahunan bilang hepe ng PNP, itinutok niya ang kanyang atensiyon sa ibang malalaking negosyante na walang awang nagpapahirap sa mga mamamayan; ang mga gahamang Independent Power Producers (IPPs) na nagpapataw at sumisingil ng maanomalyang Purchase Power Adjustment (PPA).

Hayagang binatikos ni Lacson ang mga korporasyon na nagkamal ng malaking salapi sa publiko. Sa ngayon, ang mamamayan ay mayroon nang kakampi na pwede nilang pagkatiwalaan na lalaban hanggang sa mapagtagumpayan.

Kahit na noong siya ang hepe ng PNP ay ‘di naatim ni Lacson na gumamit ng kapangyarihan para sa kanyang pansariling kapakanan.

“Hindi ko naramdaman ang kapangyarihan,” ani Lacson.

“Ang kanyang tsuper, pag merong naka-encounter sa kalsada, lagi kong sinasabihan na, ‘o wag mo nang patulan, wala tayong panalo diyan,” mabugbog mo ‘yan o baka mabaril mo problema pa natin. Pagpasensiyahan mo na lang. Mainitin kasi ulo ng driver ko,” pabirong sabi niya.

Kailanman ay hindi pinagsabi ni Lacson ang kanyang mga nagawa.

Sabi nga niya, kung uulitin muli ang kanyang buhay ay muli niyang gagawin lahat iyon.

“Walang pagsisisi kahit na tumanggi tayo sa pera mula sa jueteng,”aniya

“Kapag isa kang Regional Director, tatanggap ka ng P3 milyon kada buwan. Kapag chief ng PNP, sigurado naman ang P5 milyon, puwera pa ‘yung ibang extra. Pero ano naman ang mukha mong ihaharap sa tao? Maganda ang auto mo, maganda ang damit mo, pero alam nilang galing ang pera sa katarantaduhan, maipagmamalaki mo ba iyon?”

Ginamit ni Lacson ang kanyang magandang track record bilang pinuno ng PNP nang siya ay kumandidato sa pagka-senador. Kahit na kabi-kabila ang paninira at batikos sa kanya ng mga kalaban ay hindi naging sagabal upang ihalal siya ng mga mamamayan hanggang sa kasalukuyan.

Mabilis siyang natuto bilang mambabatas at siguradong ipagpapatuloy ni Senator Panfilo Morena Lacson ang malawakang pakikibaka ng mamamayan nang buong puso, lalo na ngayon na ang Pangulong Digong Duterte na ang Pangulo ng Filipinas.

***

Dalawang magigiting na living legendary generals ang nagbalik ng nasirang imahe at integridad ng PNP, si Senador Panfilo M. Lacson and now C/PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

May your tribe multiply. Mabuhay po kayo. Godspeed.
KONTRA SALOT – Abner Afuang

About Abner Afuang

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *